CHAPTER 42 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER “How are you feeling now?" Tanong ni Zane sa akin. Naalala ko na kung bakit ganyan ang tanong niya sa akin. Bigla kasi akong nahilo kanina kaya ngayon pa lang ako nagising. Marahil sa sobrang gutom at pagod sa nangyayari kaya ako nahimatay. “I'm good. Thank you for asking. Nagugutom ako." Sambit ko. "Alright, magpapahanda ako ng pagkain. Ano ang nararamdaman mo ngayon?” Nakadungaw itong nakatingin sa akin habang nakahiga pa ako sa kama. Dahil sa tanong niya kaya nakasimangot akong tinatampal ang dibdib niya pero hindi man lang siya pumalag. “I hate you. I hate you!" Ani ko habang pinipigilan na hindi lumuha sa harapan niya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin, ha? Bakit hindi mo sinabi na may mga kapatid ka pala? Ang alam ko lang kasi na nag-iisa ka

