C-4

1327 Words
AURORA ANGELINA “M–May kailangan pa po ba kayo?” tanong ko sa kanya. “Mayroon,” sagot naman niya sa akin. “Ano po ang kailangan mo–” Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil bigla ko na lang naramdaman ang labi niya na nakadikit na ngayon sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. “Oh my gosh! Ang first kiss ko!” Mabilis ko naman na itinulak si uncle ninong dahil hindi ako makapaniwala na ninakaw niya ang first kiss ko. Gusto ko siyang sampalin pero mas pinili ko na lang na umalis. Tumakbo ako paakyat sa room ko at hindi ko na pinansin ang daddy ko. Kailangan ko kasi na ipagluksa ang first kiss ko na bigla na lang nawala. Para pa naman sana ‘yon sa magiging boyfriend ko pero bigla na lang nawala. Bakit ba kasi ako hinalikan nang matanda na ‘yon? Nakakainis siya! Hindi na talaga ako babalik sa clinic niya. Dapat lang, bakit pa ako babalik doon kung ganito naman ang ginawa niya sa akin. Kung kanina ay hindi na ako makatulog. Mas lalo naman ngayon. Talagang hindi na ako dalawin ng antok at pagulong-gulong na lang ako dito sa kama ko. Paulit-ulit rin na bumalik sa alaala ko ang halik sa akin ng uncle ninong ko. Kung hindi ko lang siya ninong ay baka kiligin pa ako. Pero second father ko na siya. Godfather ko siya kaya malaki ang respect ko sa kanya. “Bakit mo kasi ako hinalikan? Bakit?” tanong ko sa sarili ko. Pero baka naman lasing na siya. Oo, baka nga lasing siya lalo pa at marami na ang nainom nilang dalawa ni daddy. Pero kahit na lasing siya ay dapat kilala niya ako dahil inaanak niya ako. Nagkaroon pa ako ng problema tapos malungkot pa ako. Ang dami kong emosyon ngayong gabing ito. Sana lang talaga ay makatulog ako dahil may pasok pa ako sa school bukas. ****** “Kuya, puwede ba akong sumabay sa ‘yo?’ tanong ko sa kuya kong panganay. “Sure, bunso.” “Sa akin ka na lang sumabay, bunso,” sabi naman ng kuya ko na pangalawa. “Hindi ka ba magmomotor ngayon?” tanong sa akin ni Kuya Andres. “Hindi po, kuya. Wala po ako sa mood at puyat po ako,” sagot ko sa kanya. “Good decision na ‘wag ng magmotor. Baka mamaya ay maaksidente ka pa,” sabi niya pa sa akin. “Umalis na ba sila daddy?” “Hindi pa, tulog pa si daddy. Masarap yata ang tulog dahil nakarami sila ni tito ng inom kagabi,” sabi ni Kuya Aeron. “Si uncle ninong po?” “Nasa guest room–” “Good morning, guys,” para akong hindi makagalaw dito sa upuan ko dahil narinig ko ang boses ni uncle ninong. “Good morning, tito,” sabay na bati ng dalawa kong kuya sa kanya. “Good morning, Angel,” bati niya sa akin na para bang wala lang siyang ginawa sa akin kagabi. “G–Good morning po, uncle ninong,” nauutal pa ako habang binabati ko siya. “Kumusta po ang pakiramdam mo, tito?” “Kaunting headache lang. It’s normal dahil ang dami naming nainom kagabi ng daddy niyo,” sagot niya kay Kuya Andres. “Sabay ka na po sa amin, tito.” “Magcoffee na lang ako,” sabi pa niya at umupo siya sa tabi ko. Lumapit naman ang kasambahay namin at binigyan siya ng coffee. Ako naman ay kumakain lang na para bang wala siya sa tabi ko. Hindi ako tumingin sa kanya dahil ayaw kong maalala ang ginawa niya sa akin. Ayaw ko rin na magtaka sa akin ang mga kapatid ko. “What time ang class mo, bunso?” tanong sa akin ni Kuya Andres. “Nine pa po, kuya.” “Okay lang ba kung kay Aeron ka na lang sumabay?” tanong niya sa akin. “Okay lang nam–” “Sa akin ka na lang sumabay. Doon rin naman ang way ko at maaga rin akong aalis dahil may pasok pa ako sa clinic,” bigla na lang na sabi ni uncle ninong. “Kay kuya na lang po ako–” “Bunso, sorry. Bigla na lang nagchange ang schedule ng classes ko. Kay Tito Marley,” sabi naman ni Kuya Aeron na nakatutok sa phone niya. “O–Okay lang po ba, uncle ninong?” tanong ko sa kanya. “Of course, doon naman ang way ko,” nakangiti pa na sagot niya sa akin dahil tumingin ako sa kanya at mabilis rin naman akong umiwas ng tingin dahil ayaw ko na salubungin ang tingin niya sa akin. Tumayo na rin ako dahil tapos na akong kumain. Umakyat ako sa room ko para kunin ang mga gamit ko. Kahit pa inaantok pa ako ay kailangan kong pumasok sa school. Nag-aaral ako ng mabuti kahit pa hindi halata. Saglit lang naman ako dito sa room ko at lumabas na ako. Ayaw ko naman na maghintay sa akin ang uncle ninong ko na magnanakaw. Magnanakaw ng first kiss. Kung puwede lang sigurong magdemanda ay ginawa ko na. Kakasuhan ko siya sa pagnakaw niya sa pinaka-iingatan kong first kiss. Nahawakan na nga niya ang perlas ko. Pati ba naman ang labi ko at nagalaw na rin niya. Ang suwerte niya naman dahil siya ang first ko sa mga bagay na ‘yon. “Good morning, anak. Papasok ka na sa school?” Nakangiti na tanong sa akin ni mommy na kasabay ko ngayon pababa sa hagdan. “Morning, mom. Opo, sasabay po ako kay uncle ninong. Hindi ko po kasi kayang magdrive ngayon,” sagot ko sa kanya. “That's right, anak ko. Kapag hindi mo kaya ay ‘wag ipilit,” sabi niya sa akin. “Hindi po kasi ako nakatulog ng maayos kagabi,” sabi ko sa kanya. “Iwasan mo ang mapuyat. Kapag hindi naman kailangan ay hayaan mo na lang muna. Sapat na sa amin na makita na nag-aaral kayo,” sabi niya sa akin. “Opo, mommy. Sige po, ali na po ako,” sabi ko sa kanya at humalik ako sa pisngi niya. Lumabas na ako at nakaabang na sa akin si uncle ninong. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Ang buong akala ko pa nga ay sa backseat ako uupo pero dito pala sa tabi niya. Nagpaalam na rin siya sa mommy ko at umalis na kami. Habang nasa daan ay tahimik lang kaming dalawa. Wala rin naman kasi akong sasabihin sa kanya. “Puyat ka ba?” “Medyo po,” sagot ko sa kanya. “Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba?” Tanong niya sa akin. “Medyo po,” sagot ko ulit aa kanya. “ Sa tingin ko ay kailangan mo na talaga na humanap ng boyfriend,” sabi niya sa akin kaya kumunot naman ang noo ko. “Bakit naman po? Kailangan ba ‘yon?” “Oo, kailangan ‘yon para maging blooming ka—” “Bakit po, mukha ba akong haggard?” Tanong ko sa kanya dahil parang sinasabi niya sa akin na hindi ako blooming. “Hindi, ang ganda mo nga,” sabi niya sa akin na naging dahilan para matigilan ako. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ito mula sa kanya. Tumingin ako sa kanya pero naka-focus lang siya sa pagmamaneho. Ang cool pa dahil isang kamay lang ang gamit niya. “May sasabihin ka ba?” Tanong niya sa akin. “Pinuri mo ba ako?” Tanong ko pero hindi ko naman kayang sabihin sa kanya. “Wag mo akong masyadong titigan at baka bigla ka na lang ma in love sa akin,” sabi niya at nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. “Feeling mo naman,” wala sa sarili na sambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD