'Yong nakakailang subo palang ako pero pakiramdam ko ayoko ng kumain. Naramdaman niyo rin ba 'yon? Hindi ko alam kung dahil sa nerbiyos o dahil naiilang ako sa mga matang nakatingin sa akin. Parang binabantayan nila ang bawat subo ko. "Pwede ba tigilan niyo si Teacher Iya. Hindi na makakain dahil sa inyo eh! Wag mo nalang silang intindihin huh! Abnormal talaga yan sila. Doon nalang tayo sa sala may baked peanut cookies ako ipapa—" "Bawal siya ng peanut."-kunot noo akong tumingin kay Fin ng bigla niyang sinabi 'yon. Hindi ko naman nasabi 'yon sa kanya before ah! "Really? Oh.. You knew? Buti nalang pala hindi ko pa naiserved." "You knew? How odd!" Saad ni Dustin napanguso ako ng umpisahan na naman siyang asarin ng mga kaibigan. Naririnig ko pa silang nag-aasaran bago kami lumabas n

