ZARAIYA Akala ko noon, pag nasaktan ka mahirap ng magmahal ulit. Kasi syempre ang sakit kaya ng bawat mararanasan mo sa bawat heartbreak na meron ka. Pero hindi mo pala masasabi 'yon pag dumating na iyong tamang tao sa atin. Kahit anong iwas natin ay gagawa at gagawa parin ang diyos ng paraan para muli kayong magtagpo. Kasi kahit anong sakit, kahit anong hirap tatanggapin mo pa rin siya at magmamahal ka parin. At sa bawat pagkakataon sa buhay natin merong darating na isang tao na magpapakita sayo kung ano ang silbi mo at halaga sa mundo. Merong isang taong ipapakita sa’yong deserving ka. Isang taong babaliwalain lahat ng nakaraan mo para sa kung anong meron kayo ngayon. Minsan kasi meron taong dumarating pero hindi ka sigurado kung tatagal sila o kaya kang ipaglaban hanggang sa huli.

