Napapailing akong napatingin kay Karina na halos higaan na ang likod ko sa sobrang antok. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang sumama pagbalik ko ng Manila. Kaya eto ako ngayon pinagtatiyagaan ang kakulitan at katigasan ng ulo niya. "Art malapit na kami nandiyan ka na ba?" "Actually hindi ako ang nag-aantay sa inyo—" Bago pa matapos ni Art ang sinasabi ay nakita ko na ang tatlong tukmol na nakasandal sa isang van. Mukhang kanina pa sila doon at inip na inip na. Pinagtitinginan na nga sila doon sa terminal ng bus eh! Paano ba naman bukod sa gitna sila nakaparada may karatola pa silang dala. Welcome to the club of understanding... Napapailing na lang akong bumaba matapos kung gisingin si Rina na mukhang naalimpungatan pa ata. "Welcome back to the city of living buddy."-sabay sabay

