EIGHT

1931 Words
Days, Months passed.... and here I am again, nakatunganga lang sa condo ko. Day-off ko kasi, Oh well joke lang yun, hindi talaga ako pumasok sa Falcon University. And Yes, ako na ang Dean ng pinakamamahal na paaralan ni Daddy. Ako na ang pina-take over nya and sobrang nagulat ang mga Board of Directors even Ninong Garry Fontanilla ng iannounce yun ng tatay ko but I know better. Pero sympre wala silang magagawa, ang may-ari na ang nagsabi at kahit sabihin mong may mga shares of stock sila sa Univesity, si Daddy pa din ang may pinakamalaking shares kaya ang desisyon nya ay mahalaga na sundin. At nang tumapak ako bilang Dean ng school ay doon din nagsimula ang pagiimbistiga ko sa sekreto ng board of directors at ni Ninong Garry. Hawak hawak ko ang golden mask na pag-aari ng isang lalaking personally ay hindi ko naman kilala ngunit halos gabi gabing hindi ako pinapatulog sa kakaisip tungkol sa kanya.. I want to know him, i want to see him, but how? Ilang buwan na ang lumipas at umuusad na din ang buhay ng mga kaibigan ko. Katulad ni Ysabel at Daniel, they got back together after breaking apart, married again publicly and they already have a baby.. Baby Tori, my favorite inaanak, sobrang cute nya! At masaya ako sa mga kaganapan na iyon sa buhay ng aking matalik na kaibigan. I know she is happy and contented with her life now. Habang ako, ito naka-stock pa din sa huling araw na nakita at nakausap ko si Alesandro, I still remember how his deep blue eyes darkened when staring at me and his serious voice gives chills all over my body. "Damned!" I am so f****d up with his memories in my mind. And to think na wala naman kaming kung anong special connections, hindi ko din sya ex lover or what, ni halos apat na beses lang naman kaming nagkaharap eh. Pero para syang ecstacy na nakakaaddict. Yes! I am addicted to his stares, manly unique scent, and his voice! And the worst thing is I am craving to be with him. Is this still normal of me? I am getting crazy all over him. Napabalikwas ako ng tumunog ang aking cellphone. Nang makita ko kung sino ito ay kaagad ko namang sinagot. "Hello, Serg?" Lt. Sergio Falcon, pinsan ko at isang magaling na sundalo ng isang secret task force na ngayon ay nakatuka para magpanggap bilang isang Professor sa F.U. and yes I knew it from the very beginning, tama lang kasi ng pumasok ito ay ako na ang Dean ng school. "Alam ko na kung nasaan ang pagawaan dito sa University, Nics.." Sambit nya sa kabilang linya kaya napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone. "Okay. I'll go there." Sabi ko lang at ibababa na sana ang tawag ng magsalita ito na mas ikinainis ko. "No. Just stay there! We are going to raid it tonight, Nics. At ayaw kong madamay ka rito." Seryosong paliwanag nya. "T*ngina ka ba, Sergio! Damay na ako dito. Lalo na at ako na ang Dean ng Falcon University. T*ngina ka talaga! Pangalan ni Daddy ang nakataya dito at ng school ko." Galit. Galit na galit ako! At namura ko pa ang pinsan ko na ginagawa lang ang kanyang sinumpaang trabaho. Hayop na Garry Fontanilla. "But I can protect you to this, Nics. Gagawin ko ang lahat, maiwas ka lang sa isyung ito. Just stay where you are now. And dont meddle to this, Ang hindi ko lang maipapangako sa iyo ay ang kalinisan ng pangalan ni Tito David. Pag malakas ang naging ebidensya laban sa kanya, sya ang madidiin rito. Kahit sabihin man nating pakana lahat ito ni Sen. Fontanilla." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko ng isinalaysay iyon ni Sergio. At ibinaba ko na lng ito ng hindi nagpapaalam sa kanya o nagbitiw ng anumang salita. I need to protect my school and my father's dignity. Kaya nagdesisyon akong magbihis, I am going out, pupunta ako sa University. I want to see it, ang drug factory na ginawa ni Ninong sa loob ng school ko. ****************************** (SERGIO'S POV) "Goodjob, Lt. Falcon.. I know this is difficult for your part and also to mine. Lalo na at related sa atin ang mayari ng University.. But you did great! At ngayon nga ay unti unti na nating maipapabagsak ang kalakaran ng droga dito sa bansa." pagbibigay pugay sa akin ng aming Kapitan.. Pinipilit ko lang ngumiti na umano'y natutuwa rin ako sa naging takbo ng operasyon namin. Huling parte na ang pagpasok namin ngayon sa loob mismo ng University kung saan may drug factory na nakapwesto roon. Nasa isang underground facility ito ng University, hindi mo makikita kahit anong hanap mo dahil nasa ilalim ito ng mismong kinatatayuan ng gymnasium, wala ito sa blue print ng paaralan dahil hindi ang EEC ang gumawa nito, may third Firm na sangkot rito kung saan yun ang gumawa ng underground facility. At paano ko ito natagpuan? Someone left a note in my desk, at nang icheck ko ang location, its real kaso nga lang nakasarado ito. At may hinuha na ako kung sino ang nag-iwan ng note na iyon.. But I need to play this game fair and square kahit ang tunay na kalaban ay sobrang dumi kung maglaro. Nasambit na din ito sa akin ni Dominica, that time will come kung ano man ang nangyari sa Clandestine, the biggest underground society in Asia na located dito sa bansa, ganun din ang mangyayari sa Falcon University kaso nga lang di ko inasahang ganito kabilis. Ano kaya ang tumatakbo sa isipan ng aming kalaban rito, sympre hindi ko din maaaring sabihin ito sa itaas lalo na at wala akong sapat na ebidensyang makakapagturo talaga sa totoong drug lord. Kailangang mangyari ang lahat ng nasa plano nya kumbaga we need to make a move in this chess game he started, para malaman namin ang susunod na gagawin nyang galaw. Dahil sigurado ako, bukas ng umaga... the first game will end... Checkmate. At posibleng madiin si Tito David rito and wala pa akong sapat na kakayahang tulungan syang malinis sa isyung ito. Ang tanging magagawa ko lang ay protektahan si Dominica, dahil sya lamang ang makakatulong sa pglaya ng kanyang ama kapag masistensyahan ito ng habang buhay na pagkakakulong. Nakapwesto na ang lahat ng task force sa paligid ng University. Ang ilan ay nagpanggap na mga estudyante, at ang iba ay contractor na nagaayos ng kung anong sira para mas malapit na makapwesto sa gym. Habang ako still nakaUsual suit ko as the hot professor dahil may night classes ako. Ito lang din ang sigurado ko na hindi malalaman ni Sen. Fontanilla kung kailan kami sasagawa ng pagpasok sa drug den nya. Pero alam ko hindi sya actual na pumupunta roon para icheck ang pagawaan nya.. Sympre hindi sya bobo para ipakalulong ang sariling dignidad. atsyaka galamay nya ang halos na mga myembro ng Board ng school. Kaya sila ang ginagamit nyang tagapamahala nito. Syempre kahit hndi namin madakip ang Pinuno, atleast ang mga galamay ay unti unti naming mahuli. "So class.. that's all, and please magsiuwi na kayo kaagad. wag na kayong tumambay pa rito sa campus. Its getting late." Sambit ko sa aking mga estudyante nagsitanguan naman ang mga ito at nagpaalam na.. Naglalakad na ako sa hallway patungong faculty and also making sure na wala ng paggala galang estudyante rito, dahil as much as possible ayaw namin ng cassualty, lalo na ang mainvolve ang mga inosenteng sibilyan. Nang makasalubong ko ang hindi inaasahang persona, he smiled at me. No! he gave me an insulting smirk kaya napataas noo ako. "Hindi ka pa ba uuwi, iho?" Tanong nya ng magkalapit na ang aming gawi kaya tumigil ako at tinignan sya ng seryoso like I always show to everyone else. "Pauwi na din po, Sen. Fontanilla. I just finished my class awhile ago. Ikaw po? Nadayo po kayo rito?" Normal na sagot at tanong ko rin sa kanya. "May mga gusto lang sana akong icheck. And so far okay naman kaya pauwi na ako ngayon, but thinking of it. Bakit hindi tayo magdinner muna sandali, total ay pauwi ka na rin naman?" Is he serious? "Huwag na po. Nakakahiya din pong makisalo sa isang dignified senator like you." simpleng sambit ko naman na sana ay hindi matunugan ng kahit na anong pangungutya. "No. Dont mind it, iho. Isa ka sa successful na pamangkin ng aking matalik na kaibigang si Sen. Falcon, an hour of eating dinner with you is not that bad, though." Pamimilit pa nito. Kaya I have no choice but to go with him. Kesa malaman nya ang planong pagsalakay ng task force ngayon rito. Leaving with a message to my colleagues to go on what is already planned. Alam ko nakita nila ang paglisan ko sa University kasama si Sen. Fontanilla. ******************************** Half an hour had passed. At andito pa din ako sa isang mamahaling restaurant kasama si Sen. Fontanilla, and he is talking and talking nonsense like, if I already have a girlfriend, etc. Ano to? Pamatay oras? And it hits me! "Damned!" Napatayo ako bigla ng mapagtanto ang nangyayari. At nang tignan ko si Sen. Fontanilla, nakangisi ang gago! T*ngina. Naikuyom ko na lang ang aking mga kamao. "Be thankful. I saved your life, young man." Makahulugang sambit pa nito at humigop sa cup of coffee na inorder nya kanina. Without any words, tinalikuran ko sya.. mabilis akong tumakbo papuntang parking area. Agad akong sumakay ng kotse ko, I need to go back there! F*ck Fontanilla and his games! Nagpahatid na rin ako ng SOS sa mga kasama ko to retreat the operation. Pero walang sumasagot. Masama ang pakiramdam ko rito. Mga ilang sandali pa ay narating ko na din ang bungad ng daan papasok ng University. Pero mga ambulansya, mobil ng mga pulisya, Firetruck at medya ang tumambad sa akin. Kaya mabilis akong bumaba ng kotse ko at tumakbo papasok. Hindi pa sana ako papasukin sa Yellow ribbon na nakaharang na sa buong paligid nang ipakita ko ang Identification Card ko. "What happened here?" Tanong ko kaagad sa nakita kong kasamahan ko na dala dala na ng stretcher. Napuruhan ito sa kanyang kaliwang braso, a burn. Tumingin ito sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Failed." Tanging nasambit lang nito at dumaing sa sakit na nararamdaman kaya sininyasan ko ang nagbubuhat ng stretcher nya na dalhin na sya sa Ospital. Nagpatuloy naman ako sa pagpasok sa loob.. Usok.. matinding usok ang tumambad sa akin.. Pero kailangan kong makita ang mga kasamahan ko kung ayos lang sila.. Gusto kong malaman ang nangyari. Dahil mababaliw ako sa sobrang galit ko sa aking sarili.. Dapat hindi ko sila iniwan. "Sir, wag na po kayong pumasok, lubhang mapanganib pa dahil baka magkaroon pa ng pangatlong pagsabog." Pigil sa akin ng isang bombero, kaya pumunta na lang ako sa medical facility na nandoroon, hoping that everyone's okay.. At suntok naman ang bumungad sa akin. "Ano ang nasa isipan mo at bigla mo kaming iniwan sa ere. Lahat ng kasamahan natin ay napuruhan, buti na lang at walang ganun kagrabeng natamo dahil bago pa man magka-ikalawang pagsabog ay halos nakalayo na kami sa gym." Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila, Lalo na sa kapitan. Kaya napayuko na lang ako at napaluhod. Pero inakay nya ako patayo at niyakap.. Yakap ng isang ama sa kanyang anak. "But I am happy that you are safe, son." "Dad.. Sorry! I even dine with the mastermind, not thinking that he is into something like this.. a trap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD