Chapter Four This is it pansit pusit! Nasa loob na si Chas ng ika-apat na kwarto ng game room. Very accomodating naman ang bading na kumuha sa kanya noong bumisita siya sa club. Ganon kabilis ang mga pangyayari. Pinaayusan pa siya. May pakain pa. Para siyang bibitayin maya-maya lang. Hindi siya mapakali. Nakaupo lang siya pero walang tigil siya sa pagkuyakoy ng kanyang binti. "Teka lang. Kapag nag-apply ako sa IT company matatanggap nga kaya ako? Kung ibang company naman two weeks na ang pinakamabilis na processing. Sa makalawa na kailangan ang pera sa chemo ni tiya. Mag-artista na nga kaya ako? Wala nga lang audition sa PBB at Starstruck? Kung meron man buwan din yung tinatagal ng mga show na yun tsaka twenty five na ako. Pasok pa ba? Eh kung beauty contest ulit? Binibin

