Chapter One: At the Mall (part-1)

2108 Words
“WINTHER! Let’s go.” “Winthe –“ narinig ko siyang nagbuntong hininga. “Ilalagay ko pa ba ito o hindi?” Biglang baling ko sa direksyon niya. Wala siyang isinagot sa tanong ko kaya nagtanong ako ulit. “Gagamitin ko pa ba ito o hindi na? Ma?!” Sabay kaway ko sa hawak kong bandana. Kanina pa ‘to pinag-iisipan kong maglalagay pa ba ako ng bandana o hindi na. Mas astig kasing tignan kapag may bandana sa noo. Kasalanan talaga’to ni mama, magyaya ba naman magmall eh ora-orada? Ayan tuloy hindi ako makapag-isip ng maayos. Tumingin ulit ako sa salamin ko, napansin kong pilit niyang pinakalma ang sarili. Dali-dali kong inayos ang banda sa noo ko at kinuha ang phone ko sa ibabaw ng table ko sa kwarto. Ayan, galit na naman si Madame. NANG papasok na kami sa kotse ay saka ko lang naalala na naiwan ko pala ang shoulder bag ko sa counter namin sa kusina. “Ma, pahiram ng susi, naiwan ko yung —” “Do you want to walk from here to Mall, Winther?” Putol niya sa tonong halatang nananakot. “Wag ako ma, alam kong nananakot ka lang at hindi mo yan gagawin sa akin.” Sabay ngisi ko sa naisip. Sa huli ay inikutan niya lang ako ng mata at inabot ang susi sa akin. Sabi ko na eh, alam na alam ko na yan si mama. NAG seatbelt agad ako pagkaupo ko sa tabi ni mama. Inabot ko yung susi sa kanya at tinanggap naman niya agad ito at saka pinaandar ang sasakyan. “Why don’t you dress and act more like a lady?” She broke the silence. Nagisip muna ako ng isasagot. “Hm, that’s a wonderful question.” Simula ko. Mukha naman siyang nakikinig kaya nagpatuloy ako. Tumingin ako sa gawi niya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong ayos niya ngayon at ni-recall ang mga araw pag lalakad siya at kung anong pormahan niya. “Always with blazers, white t-shirt, and pants? ….I think, …I’m good.” Sinabayan ko pa ito nang iling. Kahit nasa bahay lang naka pormal attire pa rin siya. Kung hindi ko lang alam na isa siyang Doctor, iisipin ko talagang isang secret agent siya. “Silly. What I meant was dress and act like other girls at your age.” This time her voice was soft. “Ew, Ma! Gusto niyo akong magsuot ng mga damit na maiksi na halos kita na kaluluwa? At hindi lang yan, gusto niyo pang lalabas ako tuwing gabi at uuwi ng madaling araw na parang manananggal? NOT IN MY WILDEST DREAM!” Bumalik tuloy yung galit ko dun sa mga spoiled brats kung nila dun sa pinapanood kong horror. Kahit gusto kong makakita ng matatanggal katulad nung mga babae dun sa palabas ay ayaw ko paring magsuot ng ganung klaseng damit. “Sometimes I thought if what I did was right.”Mahinang sambit niya habang nasa unahan pa rin ang tingin. Tumingin rin ako sa unahan baka may kausap siya na hindi ko nakikita. Hinintay ko rin siyang magsalita ulit pero nabigo ako. DUMATING kami sa Mall ng walang kibuan. Mahirap pa naman itong kausap. Ang daming sinasabi na hindi ko naiintindihan katulad sa handwriting niya. Una akong lumabas dahil may natanggap siyang tawag. Inikot ko ang paningin sa buong parking lot. Ang weird naman, bakit walang ibang naka-park na ibang sasakyan bukod sa amin? Hindi naman sarado dahil may guard namang naghihintay sa may pinto. Ganito ba ito sa tunay na buhay? Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapunta ako sa Mall simula nang maaksidente ako pero, …iba kasi yung mga napapanood ko sa palabas eh. Doon sa tuwing pupunta sila sa Mall tulad nito palaging maraming tao. Tumingin ako sa relo ko, 10:05 am. Oh? Hindi naman sobrang maaga ah. Napagalitan pa nga ako kanina eh dahil sobrang tagal ko raw. “Ahuh! Alam ko na, baka may mga multo rito kaya wala masyadong nagpupunta sa Mall na ito. Sayang, ang ganda at laki pa naman.” Napailing-iling ako sa naisip. “Ano kaya kung huhuntingin ko yung mga multo dito? Gawin kong koleksyon ang mahuli kong multo nakatulong pa ako sa problema ng may-ari nitong Mall.” Sumilay sa labi ko yung ngiting tagumpay. “Stop acting weird, Winther.” Sambit niya sabay nilampasan ako ng lakad patungo sa entrance. “Tama, simulan ko na ang ghost hunting ngayon.” “Good morning, Madam, Ms.” Bati sa amin ni kuyang guard. Walang sagot si mama kaya ako nalang ang sumagot para hindi masayang yung laway ni kuya. “Whoa! Ang ganda.” Puna ko. Inikot ko yung paningin ko sa paligid. “Nasaan na kayo mga ghosts, here na me”. Halos bawat hakbang namin ay may mga bumabati. Dahil nagsasalita si mama ako palagi ang sumasagot sa kanila. Paano ako nito makakahanap ng multo kong ganito palagi ang ginawa ko? Tutungo na sana kami sa department stores nang biglang napahinto si mama sabay dukot sa phone niyang nasa bulsa. Huminto muna ako habang si mama ay nakipag-usap sa kung sino man ang kausap niya. Medyo nakaramdam ako ng lungkot pero mas nangingibabaw ang excitement ko. “Let’s go. We don’t have enough time.” Saka niya ako nilampasan ng lakad. “Eh? Hindi pala yun galing sa hospital? “Sayang. Akala ko maka-dakip na ako ng —ay multo!” Bigla akong napaatras. Huminga ako ng malalim. “Ma, naman! Ang lapit ng mukha niyo sa akin.” Marami ang nakatingin sa amin kaya mas lalo akong nahiya. Ang lakas pa naman nung sigaw ko. Baka isipin nila multo talaga siya mama o nasisiraan na ako ng bait. Mabilis akong lumapit at ipinalupot ang braso ko sa kanya. “Ikaw naman kasi, Ma. Bigla-bigla ka nalang manggugu —” “Sinong dadakpin mo rito? You know? You are weird today. I know you are weird all the time but today is much worst.” Napanganga ako sa narinig. Ako weird? Aba! Kung weird ako sa paningin niya eh mas weird siya sa paningin ko. “Sabi nga nila, kung anong puno siya ring bunga.” Saka ako ngumisi. “What do you mean?” Nagtataka niyang tanong. Tumingala ako at ngumiti nang napakalaki. “Tayo nalang kaya dalawa ang maghanap ng multo, Ma?” Nanatili siyang walang imik. Parang hindi niya ako narinig. “Ma, ano n—?” “You watch too much horrors kaya ka nagkaganyan.” Lalakad na sana siya nung pinigilan ko siya gamit ang mga braso ko na nakapulupot parin sa kanya. “Hindi eh. Hindi mo ba napansin, tayo lang yung customer oh?! May multo talaga rito Ma sinsabi ko sayo.” Bigla akong napabitaw nung biglang siyang tumawa. Teka, “Huli ka ngayon!” Mabilis ko siyang pinasadahan ng ikot at huminto sa harapan niya ng nakangiti. Bigla naman nahinto yung tawa niya at napalitan ng pagtataka. Dahan-dahan kong inilapit sa magkabilang pisngi niya ang mga palad ko. “Hey, stop it!” Sabay lakad niya palayo. “Aba, ang taray ng multong sumapi kay mama.” Nang tatalon na sana ako sa likuran niya para hulihin ang multong sumanib sa kanya ay biglang siyang humarap sa akin at napakaseryuso ng ekspresyon niya. “Lagot. I awaken the beast.” “YOU did, what?!” “You want me to repeat myself?” Napasandal ako sa rehas malapit sa akin. Medyo hindi kinaya yun ah. Kaya pala. “I rented this Mall, that’s explain why we are the only customer. Stop thinking nonsense.” Biglang nag-flash back yung sinabi niya. “No, I just need some air. Kuso,” (くそ, —f**k or s**t). “Did you just swear at me?” Seryuso niyang tanong. Napaatras naman ako dahil sa sinabi niya. “Po? Hindi ah. Ang sabi ko kailangan ko ng hangin, wala na po akong ibang sinabi.” Depensa ko. Ito talaga si mama, kailan ko pa siya minura? Eh? Baka May multo talagang sumanib dito. Patunayan ko nga. Mabilis ko siyang hinila papasok sa isang jewelry store at pinaharap sa isang salamin. Nakahinga ako ng maluwag. Nirentahan niya nga talaga ang buong Mall. Napahakbang ako nang napakataas dahil sa nakita ko sa salamin. Ramdam ko yung galit niya na nanunuot sa kalamnan ko. Nag-peace sign ako at saka kumaripas ng takbo. Iba talaga ‘to magalit, nagiging tigre. Tatakbo na sana ulit ako ng nakita ko siyang palabas na sa Jewelry store, pero hindi ko nalang itinuloy dahil saktong napatingin siya sa akin ay bigla siyang huminto sa paglalakad at dinukot ang phone niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay humarap siya sa gawi ko. Panatag ang loob kong hinintay siya dahil sa ekspresyon niya mukhang hindi na niya ako papagalitan pa. “I’m sorry, I have an emergency.” Unang sambit ko bago pa siya ang magsabi. Ginaya ko pa yung tono niya kapag sinasabi niya yun. Binigyan niya ako ng ngiting may-halong lungkot. Tinapik-tapik ko siya sa may balikat para iparamdam sa kanya na kaya niyang matulungan ang pasyenteng naghihintay sa kanya ngayon. Mabilis niya akong hinalikan sa noo. “Get everything you need and just message Ed after that.” Bilin niya. Tumango nalang ako. Hindi ko nga kung ano ang kailangan ko eh. “On top of that —” “—don’t forget your time schedule for taking your medicines.” Putol ko. Sino ba naman ang hindi makabisado ang linyahang yan eh araw-araw niya yang sinasabi sa akin. Napailing siya saglit at naglakad na ulit patungo sa exit. “Glad you know that.” Rinig ko pang pahabol niya. “Good luck!” Pahabol kong sigaw. Ibinalik ko ang tingin sa paligid. Ano kaya ang bibilhin ko? “ITO po, bagay po ito sa inyo.” Sabay pakita sa akin ni Ate ang pares ng damit pantulog. Umiling ako. “Hindi ko gusto ko ang kulay.” Puna ko. “Hu? Bagay naman po ito sa kutis ma-porcelana niyo, Ms.” Pilit niya. Mapilit din pala ‘to. “May kulay black or grey po kayo niyan?” Na ikot ko na ang buong ground floor pero tanging si Ate lang ang mapilit sa mga nadaanan kong sales lady. Baka kailangan talaga niya makabenta ngayon kaya niya ako pinipilit. Kasalanan talaga ’to ni mama eh. “Ito nalang po yung available na kulay. Kunin niyo na po.” Ang hirap din palang kausap’tong si Ate. “Pasensya na po, pero hindi ko po talaga gusto ang kulay pula. Diba po sayang naman kapag bibilhin ko yan tapos hindi ko lang gagamitin?” Pa-intindi ko sa kanya. Humingi siya ng paumanhin sa akin. Kailangan ko pa palang ipaintindi sa kanya para tigilan niya ako. HALOS kalahating oras din pala ang naubos ko bago ko malibot ang buong first floor. Wala man lang akong nagustuhang bilhin. Baka sa second floor meron na. Aapak na sana ako sa escalator nang biglang may nahagip ang mga mata ko. Pink chiffon long sleeve blouse with a bow tie, paired with white trousers. Overall, she is a model. (See photo above) “Hello? Can you hear me?” Pati boses niya ang ganda. Para akong pinapatulog sa bawat salitang binibitawan niya. Kung ganito ang gustong ipasuot sa akin ni mama, siguro wala akong masabi. Ang bango pa ng gamit niyang perfume. “Hello?” Ano kaya pag kaibiganin ko ‘to tapos isasama ko siya pag mag ghost hunting ako? Baka mas madaling mahanap ang mga multo dahil sa ganda niya. Pagkatapos ay pwede kaming mag-usap ng mag-usap at magpapaturo rin ako kung paano manamit tulad niya para hindi na ako tuksuhin ni Mama. Pwede ko rin naman siyang —. “Hello there, Winther.” “YES HELLO THERE, WIN—wait, what?” Takang tanong ko. “Paano mo nalaman ang pangalan ko? Hindi pa tayo nag-uusap ah. Wala pa akong nasabi dahil natulala ako sa ganda mo.” Mukhang nabigla rin siya sa nangyari at pilit naghahanap ng masagot. Sinabayan ko na rin siya sa pag iisip kung paano niya nalaman ang pangalan ko. “You said it.” Biglang sabi niya. Sinabi niya ito ng walang halong biro. Napaisip ulit ako. Kailan ko sinabi yun? “You said it, unconsciously.” Nahalata siguro niyang naguguluhan parin ako. Tinignan ko siya sa mata. Medyo umatras siya ng konti na para bang natatakot sa akin. “Are you one of my past?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD