DALAWANG ARAW pa na hindi nagpakita si Nickolo sa kanya na laking pasasalamat naman niya dahil hanggang ngayon hindi pa din nawawala sa isipan ang naganap sa pagitan nilang dalawa.Tinatamaan talaga siya ng hiya pag-naiisip iyon.Buti na lang din ng magising siya kinabukasan wala na ang binata sa tabi niya.Hindi niya alam kung ano oras na ito umalis ng bahay nila. Sana lang talaga wag na ito magpakita sa kanya dahil hindi niya alam kung kaya niya pa ba itong harapin ng hindi maaalala ang bagay na iyon.Pinokus ang sarili sa tindahan nila para maging busy at maokupa ang isipan.Hindi naman nag-usisa ang tiyahin na pinasalamat niya din dahil baka bigla na lang siya madulas lagot talaga siya dito. "Sab ito pa idagdag mo d'yan sa bibilhin ko.Wag mong kalimutan huh ninang ka sa anak ko sa susunod

