MGA BOSES NA NAGBUBULUNGAN na parang bubuyog ang nauulinigan niya ng magising.Pinakiramdaman ang paligid at sarili na hindi pa din minumulat ang mga mata.Nakapikit lang siya ng mga sandaling iyon hinahayaan ang mga taong naroon na nag uusap-usap. Nang hindi na talaga niya matiis nag-mulat ng mata at nabungaran ang ama na nakatalikod sa kanya at may kausap ito.Ang kapatid nyang prenteng nakaupo sa couch at kunot noo habang nakatunghay sa selpon nitong hawak.Nilibot niya ang paningin puting kisame at pader ang namamasdan habang naglilikot ang mata. "Ohh Emm Gee,you're awake na Kuya!" eksaheradang narinig niyang bulalas ng kapatid kaya napabaling ang tingin niya sa gawi nito na nakatayo na pala at unti-unting lumalapit sa kanya. Nagsi lingunan tuloy ang mga taong naroon sa kanya dahil sa s

