CHAPTER 07

1374 Words
MARAMING TAO ang nakiramay sa burol ng fiance niya.Napagpasyahan ng pamilya ng kasintahan at niya na ipa cremate ang labi ng mag ina niya bago iburol sa bahay ng magulang ng kasintahan. Nang makarating kasi sila sa maynila, sa may Crematorium or Crematory diniretso ang labi ng kasintahan ng makuha sa sumabog na sasakyan.Matapos ang imbestigasyon at pinayagan ng iuwi ang labi.Ayon sa kaibigan niya na aksidente ang naganap na banggaan.Wala naman siyang makakasuhan dahil ang driver ng ten wheeler truck ay nasawi din.Sunog na bangkay ang iniuwi pabalik sa maynila kaya nga nagkasundo sila ipa cremate na lang ito.Masakit sa kanya na kasintahan nito lalo na sa pamilya ng mapapangasawa sana na naiwan. Hindi na siya umalis sa tabi ng abo ng kasintahan na nakalagay sa isang mamahaling porcelain jar na siyang pinaglalamayan nila.Nagpupuyat din siya sa pagbabantay doon na para bang mawawala ang abo ng kasintahan pag pumikit siya kahit sandali.Napaaga din ang uwi ng kapatid niya na si Natalie para damayan siya gayon din ang Daddy niya na nandoon at ito din pansamantala ang nag aasikaso sa company nila.Well his mother is already present too but she can't stay long there, unlike his father and lil sis na nag stay para samahan siya. Bumabalik balik naman ang mommy niya para makisimpatya sa kanya at sa pamilya ng kasintahan.Minsan kasama din ng mommy niya ang babaeng matagal na nitong nirereto sa kanya noon panahong wala pa siyang girlfriend at tumigil lang ito noon ipakilala na niya si Camilla dito. Three days lang ang ginawa nilang pagbuburol sa mga abo ng fiance at ngayon nga ang huling araw, huling hawak at haplos niya sa urns ng fiance dahil maya maya ilalagak na nila ito sa isa sa maganda at mamahaling mausoleum na pinagawa niya sadya sa may Manila Memorial Park Cemetery- sa may Bulacan area. Alas tres ng hapon ang paglilibing nila at heto na nga sila nandito na sa paglalagakan ng urns ng kasintahan.Matapos ang pamisa may ilang nag speech na kamag anak kapamilya at kaibigan para sa pamamaalam sa huling sandali.Iyakan ng bawat taong nandoon ang isa sa maririnig kada may may mag speech. Sa nangangatal na kamay at namumulang mata dahil sa walang tigil na pag-iyak ay nagsalita siya kahit pumiyok pa sa unang subok ng pagsasalita. "Mahal ang daya mo naman eh iniwan mo na agad ako,kayo ng magiging anak natin sana.Ikakasal pa tayo sana oh paano na ako yun mga pinagplanuhan at pinaghandaan natin para sa kasal?Ilang months na lang sana oh at petsa na ng kasal natin.Ang sakit mahal dito oh sa puso ko hindi ko matanggap na sa isang iglap nawala kana sa akin ng ganun ganun na lang basta.Mahal na mahal kita sobra.Ikaw ang pinangarap kong babaeng makasama habang buhay at magiging ina ng mga anak ko/natin pero lahat ng iyon hindi na matutupad dahil iniwan mo na ako.Kahit sobrang sakit sa akin pilit akong babangon sa panibagong umaga na aking haharapin ng hindi ka kapiling at kasama mahal ko.I love you very much,you'll be forever in my heart Mahal.Akala ko pang habang buhay na kita kasama pero hindi pala mali pala ako, ang daya ni tadhana sa atin dalawa nuh mahal ko kasi binawi kana niya sa akin at dalawa pa kayo.May nais akong ihandog na kanta sa iyo mahal ko sana magustuhan mo kahit nand'yan kana sa kabilang buhay.I love you so much!" Mahabang salita ni Nickolo sa harap ng urns ng fiance habang garalgal ang boses at luhaan.Sumagap ng malalim na paghinga bago tumikhim at nag umpisang awitin ang kantang handog sa kasintahan. Masasayang mga araw na kasama kita Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama Na parang wala ng sisira ng lahat Bakit pa dumating ang oras na ito? Nabalitaan ko na wala ka na Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan? Hindi papabayaan na ako'y mag-isa Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay? Paano na ang lahat? Paano na ako, tayo? Hindi ba't sinabi mo sa akin na sabay tayong mangangarap? Bakit bigla kang lumisan nang hindi man lang nagpaalam? Isang malamig na hangin ang yumakap sa akin Parang isang pahiwatig na magpapaalam ka na Hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan? Hindi papabayaan na ako'y mag-isa Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay? Hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan? Hindi papabayaan na ako'y mag-isa Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay? Sa kabilang buhay… Napahagulhol na ng iyak si Nickolo matapos ang awitin sabay yakap muli sa urns.Napaluhod na yakap yakap ito na umiiyak ng napakasakit kasabay ang iabng taong naroon na nagsi iyakan muli dahil sa nakikitang pag-iyak niya.Kahit anong pigil niya kasi sa mga luha ay hindi nakisama kaya naman nag unahan ng bumagsak. Hinayaan lang siya ng pamilya niya at mga kaibigan na umiyak ng umiyak to his hearts content.Inabot din siya ng kalahating oras sa ganoong posisyon ng pag-iyak bago magpasya ng tumayo na at ilagay ang porcelain jar ng urns ng mahal niya sa loob ng pinagawang tiles na nitso.Hinalikan ang jar bago nag usad ng pamamaalam ng makapag punas ng matang hilam ng luha. "Paalam na mahal ko.Mahal na mahal na mahal na mahal ko kayong dalawa ng baby natin at sobra sobra kita/kayo mamimiss.Dalawin mo ako ha kahit sa panaginip lang Mahal ko.Alam kong masasaktan ka pag nakita mo akong ganito ang itsura,wala eh ang sakit kasi sobra.Pangako dadalasan ko ang pagdalaw dito sa inyo ni baby.I love you always and forever Mahal ko." huling saad niya na pamamaalam bago tuluyang ilapag ang yakap yakap na jar na kinatulo muli ng luha.Kasabay noon ang pagkulog at pag kulimlim ng kalangitan na para bang nakikiramay din. Inantay lang nila masaraduhan ang nitso at mailagay ang lapida na may pangalan ng kasintahan at picture nito na naka inprint doon.Iniwan nilang may nakasindi na kandila na paubos na din.Isa isa ng nagpaalam at nag alisan ang mga nakipaglibing. "Bro condolences again, mauuna na kami umalis dadaan pa kami kay Valentine sa ospital." Saad ng mga kaibigan niya na umattend pwera kay Valentine na nasa ospital dahil sa naaksidente din ito at as of now ay comatose pa.Life and death ang sitwasyon ng kaibigan na sa kabila ng pagluluksa niya nasa hindi magandang kalagayan ang isa sa pinaka bestfriend niya. "Thankyou mga bro sa pakikiramay.Ingat kayo pag-uwi at balitaan n'yo ko sa lagay niya baka one of this day makadalaw ako sa kanya." saad ni Nick bago tapikin sa balikat isa isa ang mga kaibigan na nag alisan na din.Silang mag-kapatid ang naiwan doon dahil ang daddy niya ay pinauna na din nila sa pag-uwi dahil mukhang uulan pa nga at ang magulang ng fiance na nagpaalam na din kalaunan para mauna na din sa pag-uwi. "Hijo mauuna na din kami ng Tatay Temyong mo sa inyo dalawa ng kapatid mo.Magpakatatag ka hijo, alam kong masaya na ang anak naming si Camilla at ang apo ko kung nasaan man sila ngayon.Mag-ingat kayo pag uwi ng kapatid mo.Siya sige na hijo kami'y aalis na ikaw na bahala magsara dito." saad ng magulang ng kasintahan sa kanya na tinanguan lang niya at niyakap ang mga ito bago umalis. "Sige po Nay Betty,Tay Temyong salamat po ingat din po kayo sa byahe niyo.Ipapahatid ko na po kayo kay Mang Tonyo sa bahay niyo po." salita niya ng ihatid ang mag-asawa sa may sasakyan na maghahatid sa mga ito na naka park sa hindi kalayuan.Nang nakasakay ang mga ito at mag umpisang umandar na ang sasakyan hinatid ng tanaw na lang niya hanggang sa mawala sa paningin. Tumingala siya sa kalangitan ng may mapaklang ngiti sa labi kasabay ang pagtulo muli ng luha.Makulimlim na nga talaga at para bang nagbabadya ang pagbagsak ng ulan.Kaya naman binalikan ang kapatid na naiwan sa puntod ni Camilla para ayain ng umalis.Nang masigurong naka sarado na ang pintuan ng mausoleum ay inaya na ang kapatid palapit sa sasakyan nila. Inisang lingon pa ang pinanggalingan bago tuluyang tumalikod at umalis silang magkapatid.Hanggang sa muli mahal ko, balang araw magkakasama din tayo diyan sa kabilang buhay.Paalam na mahal ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD