NAPABALING silang dalawa ni Nickolo sa may pintuan ng bumukas iyon.Hindi niya tuloy natapos ang sinasabi sa binata.Niluwa ng nakabukas na pintuan ang tiyo Berto niya na nagulat pa ng makita silang dalawa sa labas. "Oh Sab' Nick andyan na pala kayo?Kanina pa kayo dumating?"anito sa kanila ng makahuma sa pagkagulat. "Kakadating lang po tiyo Bert!"duet pa nilang sagot ni Nickolo kaya napatingin sila sa isa't-isa bago mahinang natawa.Tumango naman ang sinabihan bago nagtuloy palabas ng bahay. "Ganun ba siya pumasok na muna kayo sa loob,punta lang ako diyan sa labasan may bibilhin saglit."sagot sa kanila ng tiyo Berto niya na nag-umpisa ng maglakad palayo. Huminga siya ng malalim bago tumingin kay Nickolo ng maialis ng tingin sa tiyuhin na malayo na ang nalalakad.Titig na titig din sa kanya

