CHAPTER 05

2379 Words
"Oyy tiyang Esme ano na po ang bagal akala ko po ba maaga tayo dadalaw kay nanay sa sementeryo eh bakit hanggang ngayon nandito pa tayo sa bahay?Ang kupad mo ngayon tiyang wag mo pong sabihin nabiyak ka ni Mang Berto kagabi?Hihi" Sigaw ng bulalas ni Sab sa tiyahin sa mapagbirong tono na may kasamang pag hagikhik pa na kinailing ng tiyahin niya ng marinig ang sinabi niya. "Ikaw na bata ka sari sari kana ang daming alam may iniabot lang sa akin si Berto ang dumi talaga ng utak mo.Kurutin kita sa singit dyan eh!" Napatawa siya sa tiyahin defensive yarn! at ng makalapit sa kinaroroonan niya akma siya nitong kukurutin nga sa singit ng lumayo siya ng bahagya na natatawa. "Luh si tiyang apaka defensive at wow oh pak ang awrahan natin tiyang eh nuh sa sementeryo ang punta natin ano rarampahan mo ang mga patay?Hahaha" natatawa na pamumuna sa suot ng tiyahan paano ba naman bagets na bagets ang tiyang niya sa suot na dress naka light make-up din at bagong doll shoes na red with ribbon pa huh. "Makukurot na talaga kitang bata ka sa singit tamo.Halika na atat na atat ka kanina dyan tapos napagdiskitahan mo pa ang suot ko.Ikaw talaga ang kandila,posporo at bulaklak nasaan Sabrina?" "Andito na po Tiyang nakaready na.Tayo na lang ang iniintay,taralets na talaga tiyang baka naiinip na si nanay sunduin pa tayo dito sa bahay." Inangkla ni Sab ang braso sa tiyahin ng makalapit ito sa kanya at sabay na silang lumabas ng bahay.Nang masigurong nakalock na ang pinto naglakad na sila palabas ng kanto at nag abang ng tricycle. Saktong nag aabang sila lumabas din si Mang Berto mula sa may kanto at syempre hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang ayos din nito.Nakaisip tuloy siya ng kalokohan na tuksuhin ang dalawang tanders. "Hanep ah Mang Berto taray binatang binata sa suot ah, oh diba pak terno pa kayo ni tiyang ng suot na kulay.Ayyiiee 'yon totoo nag usap kayo ng color coding ngayon nuh." mapanuksong saad ni Sab sa dalawang kasama habang nag aantay ng masasakyan pa sementeryo.Couple yarn? Dahil sa pagbibiro niya ayon natuluyan na siyang kurutin ng tiyahin sa tagiliran nga lang hindi sa singit.Tatawa tawa siya sa sinabi nito na nakakahiya daw kay Berto dahil kung ano ano pinagsasabi niya. "Asus tiyang nagmumurang kamatis yarn?Ika nga sa sampalok may asim pa!" Habol na naman niyang saad kaya pinandilatan na siya ng tiyahin na sasawayin pa sana siya kaso hindi na natuloy ng may tumigil ng tricycle.Natatawa lang din sa kanya si Mang Berto.Sa loob sila ng tiyang niya at si Mang Berto naman sa may labas sa katabi ng driver.Bibiruin pa sana niya na magkatabi ang dalawa ng tiyahin sa loob kaso hinila na siya ng tiyang niya pasakay kaya humagalpak na lang siya ng tawa ng makasakay. Nang makarating sa sementeryo may ilan ilan na ding tao ang nandoon.May naglilinis ng nitso at may ilan namang nagpipintura. Alas nuebe pa lang naman ng umaga kaya medyo masakit na sa balat ang sikat ng araw.Iniadvance na nila ang dalaw sa nanay niya para hindi masikip sa pagpunta doon.Ilang days pa bago mag undas pero heto silang mag tiya dumadalaw na sa puntod ng ina niya.Sa sementeryo din pala ang tungo ni Mang Berto kaya naman panay panay ang tukso niya tumigil lang ng makalapit na sa puntod ng ina. "Hello nanay kumusta kana dyan sa heaven?Miss na miss na po kita,alam kong binabantayan mo kami lagi ni Tiyang Esme at may chika pala ako sa iyo nanay ibubulong ko lang baka marinig ni tiyang hihi.Alam mo ba nay si tiyang dalagang filipina na yarn pumapag ibig na kita mo naman nay nagmumurang kamias.Si Mang Berto nga pala ang future boyflend ni tiyang nay 'yon kapitbahay natin na nangungupahan sa kabilang bahay.Mabait, masipag,maasahan at alam mo ba nay higit sa lahat matikas ang pangangatawan sa edad na kwarenta singko at eto pa nay gandang lalaki din ni Mang Berto matangkad pa.Hihi limang taon lang ang agwat ng edaran nila ni Tiyang nay..Hindi ko lang alam nay kung nagapang na si tiyang hihi pag wala ako sa bahay.Approved naman sayo nay diba na magkalablyf si tiyang,sayang ang lagusan ng kweba kung matetengga lang habang buhay,nilulumot na nga kailangan ng malinis,mapasukan at madiligan baka tuluyan ng mag lock poreber pag hindi pa binuyangyang ni tiyang sayang ang lahi!Nyaayyy..Haha" Mahabang salita ni Sab sa harap ng nitso ng ina matapos maiayos ang dalang bulaklak at sinindihan ang dalawang may kalakihan kandila na dala.Kung ano ano pa ang kinuwento sa ina na as if naman sasagot ang kausap.Nakasanayan na niya itong gawin sa tuwing dadalawin ang ina,nakakagaan kasi sa pakiramdam niya at masaya siya. Mahina siyang tinapik ng tiyahin sa braso ng marinig ang pinagsasabi niya harap ng ina.Inakbayan niya ang tiyahin na natatawa pa bago pabirong sinagot na kalaunan nagtatawanan na sila pareho.Nag dasal pa ang tiyang niya at nag stay pa sila doon ng ilang oras. Nasa lilim sila ng punong acacia ng lapitan sila ni Mang Berto na may dala dalang mameryenda.Ang lawak tuloy ng ngiti.niya sa labi ng maabot sa kanila ang pagkain ay nakiupo na din sa inuupuan nila mag tiya. "Esme,Sab meryanda at pantawid uhaw bumili na ako baka nagugutom na kayo." "Wow ang sweet at bait naman ng future tiyong ko.Ayyiiee oh tiyang wag kang kiligin diyan baka mapaihi kapa mamanghi tayo dito.Haha" banat na sagot ni Sab bago binalingan ang tiyahin ng maabot sa kanila ni Mang Berto ang dala dala nito.Umupo ito sa tabi ng tiyang niya busy na sa pagnguya ng bananacue at sa kamay nito may palamig. Kumagat siya sa hawak na pagkain bago naisipang pitsuran ang tanders na nagtatawanan habang may pinag uusapan kung ano.Nilabas ang selpon at nilagay sa camera bago tinutok sa dalawang tao. "1,2,3 kiss este smile pala lovers,don't be shy shy shy!" Saad ni Sab sabay pindot ng button para mag click ang camera sa selfon na kinalingon ng dalawang tao.Ilang shot pa ang kinuha niya na panay ang saway ng tiyang Esme niya sa kanya. "Ikaw talaga Sabrina dumali ka na naman ng kalokohan mo, hindi kana nahiya kay Berto.Pasensya kana sa pamangkin kong 'yan may sapak kasi sa ulo pag tinamaan ng kalokohan nakakahiya sayo." Dinig niyang saad ng tiyang sa kanya bago bumaling sa katabi nito na sinabing ayos lang iyon masasanay din naman daw sa kanya.Oh pak taray diba mukhang may pagnanasa este gustong maging jowa ata ni Mang Berto ang tiyang Esmeralda niya.. "Asus tiyang dika na talaga nasanay sa akin at tsaka kung may sapak aba may sapak ka din kanino paba ako magmamana kundi sa iyo po.Tiyahin kita ,pamangkin mo ako so it means tiyang same same tayo.Hahaha" ngiting ngiti na saad ni Sab sa tiyahin na napabuntong hininga na lang sa kanya.Inubos na nila ang meryenda pero nag stay pa sila doon ng ilang oras.Medyo dumadami na din ang tao nag sisidatingan ang iba naglilinis meron din naman gaya nila dumadalaw na. May ilang kakilala siyang nakita ang mga tropa niya—si Natoy na nagtitinda ng isda sa palengke.May pwesto kasi ang mga ito kaya madalas doon ang binata para tulungan ang magulang nito sa pagtitinda.May itsura naman ang kaibigan niyang iyon, luh sino bang taong walang itsura aber Sabrina? at matangkad din pwede ng ipanglaban sa gyera.Charot lang! "Oy tol andito pala kayo ni tiyang Esme mo at Mang Berto?Ano ginagawa niyo dito?Naglinis ba kayo ng puntod ng nanay mo?" bungad na tanong agad sa kanya ng binata ng lumapit ito sa pwesto nila at binati din ang dalawang tanders.May mga kasama itong ibang kalalakihan at ilang kadalagahan.May mga bitbit na pang pintura at panglinis. "Ay wala tol anino lang 'to ni Sabrina at nagpipicnic kami dito habang tumatambay at nagbabantay sa patay at nagbibilang na din!Hahaha..Charot charot lang!" Pabirong saad ni Sab sa kaibigan na kinahagalpak lang nito ng tawa na nailing pa.Nagsipag tawanan din ang kasama nito ng marinig ang sinabi niya.Nagpaalam na ang mga ito ng maka ilang minuto na maglilinis lang daw ang mga ito ng kani kanilang puntod ng mga mahal sa buhay. Tinanaw niya ang papalayong bulto ng mga ito habang nakaupo pa din sila.Tumunog ang selpon niyang hawak kaya napababa siya ng tingin doon.Nagbukas nga pala siya ng data kaya naman sunod sunod ang message na dumating sa kanya. Bestfrend Pam:Bruha nasaan ka? Basa niya sa chat ng bestfrend niya kaya agad na nagtype ng reply. Sabrina:Nasa moon Send niya sa reply na may pa emojie pa smiling face na nakabaliktad.Mabilis naman na seen ng kaibigan agad ang reply niya. Bestfrend Pam:Gaga wag ka nang babalik d'yan kana lang sa moon, hindi nga 'yon totoo nasaan ka nga? Sabrina:Bakit miss mo na ba ako?Ayyiiee kalma ako lang 'to ang magandang si Sabrina na bestfrend mo! Bestfrend Pam:Nope hindi kita na miss and why would I?Nasaan ka nga kasi andito ako sa inyo wala naman kayo ni tiyang Esme. Sabrina:Tangina ka hayop na 'to di mo man lang ako na miss Accklaa kahit slight lang?Awts pain huh nakakasakit ka ng dibdib ay mashikip pala ang bra ko kaya meseket sa dibdib.Hihi Bakit mo ba tinatanong may ibibigay kaba sa akin?Andito kami ni tiyang sa sementeryo dinalaw namin si nanay at eto si tiyang nakikipag date na kay Mang Berto dito sa sementeryo.Hahahaツ Bestfrend Pam:Ganun ba sige punta ako diyan ayain kita gumala kaya hinahanap kita bruha ka! Pumalakpak ang tenga niya sa nabasang chat ng kaibigan at lumawak ang ngiti sa labi na kulang na lang mapunit na.Agad siyang nagreply dito. Sabrina:Sige aantayin kita dito,night market tayo mamaya.Papaunahin ko na si Tiyang pauwian maya maya para masolo siya ni Mang Berto.Hihiシ Bestfrend Pam:Gaga ka talaga,siya sige na ghora na aketch papunta dyan.Bye lukaret! Sabrina:Bye bestfrend ingat sila sa iyo este sa byahe mo pala..Hahaha antayin na lang kita dito chat me pag andito kana.Mwuaahh Sinend niya ang reply sa kaibigan bago nilingon ang tiyahin para sabihin mauna na ito sa pag uwi dahil aantayin niya si Pam at gagala sila.Sumang ayon naman ang tiyahin niya at aantayin lang daw nito dumating ang bestfrend niya bago ito umalis. Hindi naman nagtagal ay dumating na din ang kaibigan niya kaya naman nag paalam na ang tiyahin niya na aalis na at mauuna na sa pag-uwi kasabay si Mang Berto. "Oy tiyang ingat kayo ni Mang Berto, wag mong aakitin si Mang Berto huh.Hahaha at Mang Berto ingatan mo ang tiyang ko nagdadalaga pa lang yan, ikaw na po bahala.Bye sa inyo!!" saad ni Sab sa tiyahin bago binalingan ang kasama nito pag uwi.Kinurot tuloy siya sa may singit ng makatayo ito at lumapit sa kanya. Humagalpak lang siya ng tawa at inasar pa ang tiyahin na may kasamang pagsundot sundot sa tagiliran nito. "Mag-ingat din kayong dalwa wag masyadong papagabi ng uwi huh Sabrina." Saad ng tiyahin niya na tinanguan niya bago sumagot dito."Opo tiyang curfew yarn!Hindi kami magpapagabi ng uwi mga 8 uuwi na kami,pwede na iyon Tiyang diba?" tumango ang tiyahin niya bago naglakad na ang mga ito palayo.Samantalang sila ni Pam umalis na din para maggala na.Hapon na din naman ng mga oras na iyon alas tres ng hapon.Ilang oras din pala sila naka istambay sa sementeryo ang bilis ng oras di nila namalayan. Sa may mall sila nagpunta ni Pam at nag window shopping doon habangnagtitingin tingin.Pumasok sila sa isang department store ng may matipuhan ang kaibigan na damit at dahil mabait ang kaibigan niya nilibre siya ng isang t-shirt na branded.Hindi naman siya mapili o maarte sa damit okay na sa kanya ang kahit na ano branded man o hindi,nabili nga din siya ng damit sa ukay ukay eh mura pa!Panty at bra lang ang hindi niya binibili sa ukay-ukay syempre sa may tindahan na nila sila nabili lalayo pa ba siya.Hihi. Matapos ang pag iikot ikot pa nila ni Pam ay nagtungo na sila sa may night market ng manawa na sa loob ng mall.Bitbit ang mga pinamili nila na hindi naman kadamihan ay naggala na sila sa nightmarket at kumain ng kung ano anong meron tinda doon.Busog na busog siya sa pinaglalamon kaya ng makauwi na sila sa bahay hindi na siya nakakain ng dinner. Hinatid lang siya ni Pam sa bahay bago ito umuwi na din sa bahay ng mga ito.Hindi na din nagtagal sa kanila ang kaibigan saktong 8 sila nakauwi kaya medyo dipa late night.Gising pa nga ang tiyang niya ng nadatnan nanonood ng telebisyon. Nagmano siya sa tiyahin bago dumiretso sa kwarto para mag half bath at magpalit ng damit na pantulog.Pajama at loose shirt ang suot niya hindi na din niya pinagkaabalahang magsuot ng bra gabi naman na at matutulog na din siya maya maya.Bandang alas nueve medya ng mapagpasyahan niyang matulog na kasabay niya din ang tiyahin sa pagtulog at ng mailapat ang likodan sa higaan mabilis siyang ginupo ng antok at hinayaan ang sariling anudin ng karimlan ng kadiliman at katahimikan ng gabi. SAMANTALA…. "Hello kayo po ba si Sir Nickolo?" Nagtatakang nakakunot noo si Nickolo ng marinig ang ibang boses sa kabilang linya.Tinignan ang hawak na selpon para icheck kung ang fiance nga niya ang tumawag.Numero naman ng fiance niya ang nakarehistro sa tumawag pero bakit ibang boses ang sumagot?Hindi niya tuloy maiwasang mag isip agad ng kung ano! "Yes speaking, who's this by the way?Bakit nasa iyo ang selpon ng fiance ko?What is that address?Why would I go?" saad naman ni Nick sa kabilang linya na pinapanatiling maging kalmado at mahinahon ang boses kahit na kinakabahan na siya at nagtataka. "Ah-eh sir kayo po kasi ang nasa last call list ng may ari ng telepono kaya po kayo na ang kinontak ko,punta na lang po kayo sa address na sinabi ko para malaman nyo po. Huling narinig ni Nick na saad ng kausap sa kabilang linya bago maputol ang tawag ng kung sino mang may hawak ng telepono ng kasintahan.Du marubdob ang dibdib niya sa sobrang kaba na may halong hindi niya maipaliwanag na pakiramdam–pangamba at pag alala perhaps.Mabilis ang naging kilos niya at dali daling hinagip ang coat na nakasabit at ang bag na nasa tabi ng mesa.Wala na siyang inaksayang oras ng mga sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD