5th Mess

1016 Words
Present CAREER move. At twenty-eight, masaya at kontento na si Erica bilang features editor ng "most prestigious men's magazine" sa bansa. Malaki rin ang posibilidad na ma-promote pa siya bilang susunod na EIC. Ang kasalukuyan kasi nilang EIC, malapit nang mag-resign dahil buntis ito at maselan ang kalagayan. Inaasahan ng lahat na siya ang papalit sa mababakanteng posisyon. Pero noong isang buwan, nagdesisyon si Erica na talikuran ang lahat ng meron siya sa Pilipinas para bigyan ng isa pang pagkakataon ang relasyon na walong taon niyang pinag-ukulan ng oras, pagmamahal, at kung ano-ano pang bagay para lang magtagal. Saka maganda rin naman ang offer na nakuha niya sa isang magazine publisher sa New York bilang editor din. Sinubukan lang naman niya kung qualified siya, at ngayon nga, heto na ang resulta. Nakatanggap siya ng e-mail mula sa kompanya na nagsasabing naipasa niya ang interview na ginawa via video chat noong isang buwan. Nakatulala si Erica sa harap ng laptop nang gabing iyon. Sa isang tab, nakabukas ang kanyang account kung saan paulit-ulit binabasa ang e-mail mula sa New York. Habang ang isa naman ay nakabukas sa Skype kung saan ka-video chat niya si Jeff. Nakabalik na ito sa New York matapos ang maikling bakasyon sa Pilipinas noong isang buwan. Natawa si Jeff nang mapansing hindi na siya nakikinig sa mga sinasabi nito. "I love that look on your face, Erica. Pero no'ng una pa lang, alam ko namang kaya mo. Nang sabihin pa lang sa 'kin ni Auntie Celia na ini-recommend ka niya sa magazine publisher na pinapasukan niya rito, alam kong matatanggap ka agad. Congratulations again, baby." Binigyan lang ni Erica ng blangkong tingin si Jeff. Gaya ng mga sinabi nito, ang tita nito ang dahilan kung bakit napunta sa magazine publisher sa New York ang portfolio niya. Dahil close sa ginang, hindi na siya nagulat nang malamang inirekomenda siya ni Auntie Celia sa kompanyang pinapasukan nang magkaroon ng bakanteng posisyon sa editorial staff. Well, hindi naman iyon ang unang pagkakataon na binanggit sa kanya ni Auntie Celia ang oportunidad na makapagtrabaho sa isang New York-based magazine publisher para magkasama sila ni Jeff. Pero ngayon lang niya iyon sineryoso. "I'm flying to New York in three weeks," hindi makapaniwalang bulong ni Erica sa sarili. Pero hindi naman ganoon kahina para hindi marinig ni Jeff. Tumango-tango ang lalaki. "Yes, Erica. You can move in with me so you don't have to worry about a thing when you're already here." Marahang umiling-iling si Erica. "Jeff, let me just remind you that we haven't gotten back together. Ang usapan lang natin, susubukan uli natin kung magwo-work out ang relasyon natin kapag magkasama na tayo sa New York. Kaya hangga't hindi pa nangyayari 'yon, please don't act like you still own me. My cousin lives there. She's willing to 'adopt' me until I find my own place." Mukhang hindi naman na-offend si Jeff. Tumango-tango lang ito. "I get it, Erica. I promise, when you get here, we will fix us. We will go back to what we used to be. Everything will be all right when we're finally together in the same city again." Ngumisi nang mapait si Erica nang maalala ang babaeng sumagot sa tawag niya noong nakaraang gabi. "Alam ba ng girlfriend mo na 'yan ang plano mo pagdating ko d'yan sa New York?" Hindi natinag si Jeff, mukhang alam na ang tinutukoy niya. "Not girlfriend. She's just another one-night stand, Erica. And this is your idea. Ikaw ang may sabi na hangga't hindi pa tayo nagkakabalikan, we're free to see other people." Ngumisi ito. "Are you jealous?" Ipinaikot ni Erica ang mga mata. "Huwag kang masyadong mayabang, Jeff." Technically, wala naman silang relasyon ni Jeff ngayon kaya walang masama kung may kinakama itong ibang babae. Hindi rin niya alam sa sarili kung bakit inisip niyang magpapakasanto na ang lalaki dahil lang sa usapan nila. Pero hindi siya magmamalinis. Siya rin naman, may Josh na nagpapaligaya gabi-gabi na dahilan kung bakit hindi na siya naapektuhan sa mga ginagawa ngayon ng ex-boyfriend. "We're so f****d up," frustrated na sabi ni Erica nang hindi magkomento si Jeff sa mga huling sinabi kanina. "Let's just say this is our own twisted way of saying good-bye to our blessed-singleness," kaswal na sabi naman ni Jeff. "I don't mind you hooking up with another man right now, Erica, if that's what you're worried about. We're not together anyway at this moment. Alam ko rin namang ginagawa mo lang 'to para makaganti sa 'kin dahil sa nagawa ko sa 'yo. Kung ang pakikipagsiping sa ibang lalaki ang paraan mo para magantihan ako, tatanggapin ko 'yon. Alam ko naman na sa huli, tayo pa rin." This setup was so f****d up. "Pagod ako," paiwas na sagot ni Erica. "Good night, Jeff. 'Talk to you again as soon as I can." Pagkatapos i-shut down ang laptop, humiga si Erica sa kama at tumitig sa kisame. May glow in the dark stickers siya ng mga bituin na nakakatulong para ma-relax ang isip niya. A month ago, she was sure that she wanted to fly to New York for a new job opportunity and to give her and Jeff a second chance. Pero ngayong malapit nang mangyari ang mga iyon, parang biglang nagkaro'n ng turmoil sa loob ni Erica. Kapag ganoon ang nararamdaman niya, tahimik lang siya. Gaya ngayon. Everything was set since a few weeks ago. Nakausap na niya ang kanyang pamilya at naging supportive naman ang mga ito sa desisyon niya. Ganoon din ang kompanyang pinapasukan nang sabihin pa lang niya ang tungkol sa nalalapit niyang pagre-resign. Ang kagandahan pa roon, kung sakali man daw na magbago ang isip niya, tatanggapin pa rin siya sa kanyang pagbabalik. Ang suwerte ni Erica sa mga taong nakapaligid sa kanya. So why was she indifferent toward the good news? Kasi may hindi ka pa pinagsasabihan ng tungkol sa pag-alis mo, bulong ng isang bahagi ng isip niya. How long do you plan to keep this secret from him? Napabuntong-hininga si Erica. Kailangan pa bang malaman ni Josh ang tungkol sa nalalapit niyang pag-alis kahit wala naman silang relasyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD