Final Flashback: The Fall-Out Stage, over a month ago "BAKIT rocky road ang flavor nitong ice cream na binili mo?" kunot-noong reklamo ni Erica habang nakatingin sa ini-scoop na ice cream ni Josh sa baso. Dala nito iyon sa pagbisita sa condo niya ngayong araw. Binilinan kasi niya ang lalaki na dalhan siya ng matamis nang sabihin nito na dadalaw ito. "Alam mo namang sans rival lang ang gusto ko." "Nakakasawa na kasi na puro sans rival na lang ang kinakain natin," katwiran naman ni Josh. "Tumikim ka naman ng iba, hindi puro 'yong nakasanayan mo na." "Hindi ko lang basta nakasanayan ang sans rival," kontra ni Erica, mainit pa rin ang ulo. "Paborito ko 'yon. 'Yon lang ang gusto kong flavor ng ice cream. Ayoko ng iba." Alam niya na para na siyang bata dahil sa mga ipinaglalaban niya. Gus

