FRIENDSHIP anniversary was a strange thing. Hindi natatandaan ni Erica kung kailan niya naging kaibigan ang mga kaibigan. Lalong hindi nila isine-celebrate iyon. Pero iba si Josh. Sa tatlong taong lumipas, hindi ito pumalyang sorpresahin siya nang ganoong araw. Wala naman itong grand gesture na ginagawa. Basta nagpapakita lang ang binata na may dalang malaking cake na may kandila kung ilan taon na silang magkaibigan. Sa dalawang magkasunod na taon, ginawa nito iyon. Wala naman silang espesyal na ginawa. Kumain lang sila sa loob ng kotse niya at nagkuwentuhan ng naging recent achievements nila. Hindi niya aaminin, pero hinihintay na niya ang araw na iyon ngayon. Kaya nga naghanda rin siya ng regalo para kay Josh sa unang pagkakataon. Siguradong magugulat ito na natandaan niya ang "friend

