HERE'S Erica's secret: the "Fall-Out Stage" was actually the "I'm-Falling-In-Love-With-Josh Stage." Pero in-denial siya nang panahong iyon. Ngayong nakaupo siya sa hagdan ng fire exit pagkatapos mag-walk out kay Josh, saka niya iyon na-realize. Kanina pa nagba-vibrate ang phone niya. Sigurado siyang ang binata ang nagte-text at tumatawag sa kanya, kaya hindi niya iyon sinasagot. Paano niya haharapin si Josh pagkatapos ng mga realization niya? Hindi rin alam ni Erica kung kailan eksaktong nahulog ang loob niya kay Josh. Sa dalawang buwan na nagsisiping sila at madalas na nagkakasama, mas nakilala nila ang isa't isa. Noon kasing nakatali pa siya sa iba, halatang may pader pa sa pagitan nila ng binata. Pero nang mawala iyon, meron namang pinto sa puso niya na nagbukas para sa kanilang dala

