Muli akong huminga ng malalim. Sa totoo lang kahit papano ay sumagi din naman sa isip ko ito.Ang muling magku krus ang landas namin ni Bryan. Ngunit wala akomg idea na sa ganitong paraan pala. Kay hirap isipin na ang taong ikinakala mong nakalaya kana ay muling nandito to lead you again into more miserable life. Kung ako ang tatanungin ay kay dali namang mag decide. Halos hindi ko na nga kailangan pang isipan kung ano ba talaga ang magiging desisyon ko. Napakasaya ko na sa buhay kong malayo sa kanya. Siya na din kasi ang nagpatunay sa akin na hindi naman talaga pera ang nagpapasaya sa tao. Ngunit paano sila tatay matatanda na sila. Ngayon paba sila makakaranas ng ganong kahihiyan sa oras na palayasin sa bahay ni Bryan. Napahawak ako sa mukha ko at umiyak. "Aalis na muna ako honey, i

