Pagdating ko sa dining table, nakayuko lang si mommy habang kumakain. "Oh Dave halika na saluhan mo kami, tikman mo tong prawns at lobster" pagmamalaki pang sabi ni daddy. Napaangat sandali ang tingin ni mommy sa akin.Tila may sinasabing I ride ko si daddy. "Wow ang sarap naman niyan" kunyari excited pa ako umupo sa tabi ni mommy. "Special yan ano kaba, one of the finest seafood resto" pagmamalaki pa nito. Tumatango tango lang ako, alam kong favorite to ni mommy ngunit wala itong kibo habang kumakain. "Saan ba kasi kayo kumain ni mommy mo ha Dave?" biglang tanong nito habang nakangiti naman. "Ahh Dad nag starbucks lang kami" matipid ko sagot. "A mabuti naman, alam mo Dave natutuwa ako dahil nagkakaroon ka nang oras sa mommy mo. That's good dahil mahirap na ang panahon ngayon diba."

