NASA harapan si Edna nang malaking bahay ng kanyang dating amo. Lakas loob na lamang siyang pumunta rito. Ayaw man ng kalooban niya dahil makikita siya ng kaibigan ni Peter ay sumige pa rin siya. Alang-alang kay Tsong Caloy, para sa kanya naman ang ginagawa niyang ito. "Manong, andiyan po ba si Ma'am Cory?" Lumabas ng guard house ang guwardiya. "Edna, ikaw pala. Pumasok ka na sa loob. Andiyan si ma'am." Huminga muna ng malalim na malalim si Edna. Saka diretsong pumasok sa loob ng gate. Ang lakas nang kabog ng dibdib niya. Para tuloy gusto niyang umatras at bumalik na lang sa ospital. "Andito ka na, Edna. Push mo lang para kay Tsong Caloy," mahinang usal niya. Napabuga siya ng hangin. Inayos pa ang sarili. Bukas na ang pinto ng bahay nila Cory. Kaya sumilip na lamang siya sa loob ng ba

