“WHAT IS THIS, Alex? I have lost six figures. How does it happen?” mariing mga tanong ni Peter. Ipinakuha niya muli ang report sa finance department at may nakita siyang nawawalang pera. Maliit lang iyon pero kabawasan pa rin sa kanya. Sino naman kaya ang kukuha sa pera ng kompanya? Dalawang tao lang naman ang alam niyang kayang magnakaw ng pera sa kompanya niya. Walang iba kun’di ang dalawang kapatid ng daddy niya. Si Auntie Delia at Uncle Percival. They’ve known everything in CLA. Dati nang nahawakan ng kanyang Auntie Delia ang pamamahala sa CL Apparel. Alam nila kung saan pumapasok ang lahat ng pera ng CLA. Maging ang pasikot sikot sa buong kompanya. “I don’t know, boss. Pero alam kong nahuhulaan niyo na kung sino ang may kagagawan nito.” Ani Alex. Humugot ng malalim ng paghinga si

