"TIYA, ano pong problema?" Napaangat ang tingin ni Roma sa kanyang pamangkin. Saka napapikit ng kanyang mata na umiling-iling. Pinagtaka niya ang sagot ng tiyahin. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" Nanlalaki ang mata ni Edna. Lumakas ang kabog sa dibdib niya. "Wala na si Tsong Caloy mo. Iniwan na niya tayo, Edna." Malakas na humagulhol na sagot ni Roma. Napatingin si Edna sa kama. Andoon pa ang kanyang tiyuhin nakahiga sa kama. Pero wala na ang mga aparato na nakakabit sa katawan nito. Pero para siyang biglang nanghina nang sumagi sa kanya ang tinuran ni Tiyang Roma. "Tiyang, umalis lang po ako para maghanap ng perang pamdagdag sa pambayad ng pampaopera niya. Sandali lamang po iyon at nakompleto ko na ang pera na kailangan natin. Pero bakit naman gan'on?" humagulhol si Edna na nilapitan

