MAAGANG nagising si Edna. Maaga rin kasi niyang sisimulan ang kanyang paghahanap ng bagong trabaho. Kailangan niyang makahanap, kung hindi ay mauubos ang kanyang mga naipon. Maayos ang bahong bshay na tinitirhan nila. Kumpleto rin iyon sa gamit sa loob. Wala nga lang telebisyon. Pero okay lang, atleast hindi nila kailangan na bumili ng gamit sa kusina. "Mag almusal ka muna bago ka, Edna. Mahirap ng walang laman ang tiyan. Kapag naghanap ka ng bagong trabaho," ani ni Roma sa pamangkin. "Siyempre po kakain muna para may lakas," pilit na pinasisigla ni Edna ang awra. Tama na ang halos buong magdamag na pag iyak niya. Mas marami siyang importante na gagawin kesa ang mag iiyak buong araw. Walag mangyari kung magmumukmok lang siya. Kailangan niyang kumayod para sa kanila at para mabuhay. "A

