"Maligayang pagdating ma'am Eve." pagbati ng isang tauhan ni Aaron, kay Eve. Nagulat naman si Eve, dahil sa mga nadatnan niyang tao sa bahay ni Aaron sa Isabela. Walang iba kundi si Bhella Pilotin. Ang Professional Receptionist sa Office of the CEO ng AG HOLDINGS INCORPORATED. "Miss Bhella, anong ginagawa mo rito? Huwag mong sabihin sa akin na tauhan ka rin ni Hudas?" nagtatakang tanong ni Eve, sa babae. Naka kunot rin ang kanyang noo, dahil sa mga iniisip niya. "Opo, ma'am Eve, isa nga po akong tauhan ni Lord. Pero huwag ka pong magagalit sa akin ma'am. Alam kong may kasalanan din ako sayo, pero ginawa ko lamang po yun, dahil yun po ang utos sa akin ni Lord. Siya po ang sisihin niyo ma'am at hindi ako. Ma'am, parang awa mo na, maniwala ka sa akin, si Lord, talaga ang may kagagawan n

