SUNOD-SUNOD na naghagis ng gran@da si Aaron, sa gawi ng kanyang mga kalaban. Dito niya ibinuhos ang lahat ng kanyang galit sa taong nag utos sa mga ito na pat@yìn siya at ng kanyang mahal na asawa. Galit na galit siya sa isiping inilagay ng mga ito sa panganib ang buhay ni Eve. "Salubungin niyo ang b@la ko mga g*gø! Mamaya le-letchonin ko naman kayo!" malakas na sigaw ni Aaron, habang pinapapùtøkan ang mga kalaban. Kung titingnan ay para siyang si Arnold Schwarzenegger sa pilikula nitong Commando. Hawak na rin niya ang dalawang semi-automatic armalite rifle na dala niya kanina. Magliliwanag na rin, kaya nakikita na niya ang mga kalaban niya sa paligid. Bawat gumalaw na dahon ay binab@r!l niya, dahil alam niyang may nagtatagong kalaban sa likod nito. Bagsak naman kaagad ang mga ito, dahi

