HABANG PAPALAYO kami sa lugar na iyon ay napagtanto kong ibabaw pala ng bundok kami galing. Dahil rin sa sunog sa paligid ng bundok ay maliwanag kong nakikita ang lugar, kung saan kami dinala ng anak ko. Napalingon din ako kay Aaron, dahil nagtataka ako kung paano niya kami nahanap ni Aj. Nahulaan naman ni Aaron na meron akong gustong itanong sa kanya, kaya nilagyan niya ako ng headphone. Naglagay din siya ng sarili niyang headphone, upang magkarinigan kami. "Yes, mahal, ano ang itatanong mo?" nakangiti niyang tanong sa akin. Inakbayan din niya ako ay hinapit palapit sa kanya. "Pano mo kami nahanap ni Aj? Napakalayo na ng lugar na iyon, pero natagpuan mo pa rin kami?" nagtatakang tanong ko kay Aaron. Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kaliwa kong kamay at hinaplos ang suot

