MATAPOS maubos ang kape ay muling tumayo at lumapit sa bintana si Eve. Pilit na tinatanggal ng dalaga, ang mga naka lagay sa bintana na haran, upang makita niya ang labas ng bahay. Ngunit napatigil siya sa ginagawa, dahil sa biglang pag bukas ng pinto ng kanyang kuwarto. Bigla kasing pumasok si Edna, kaya napalingon si Eve, sa babae. ''Ma'am, ano pong ginagawa niyo sa blinds ng bintana?'' nagtatakang tanong ng babae. ''G-Gusto ko sanang buksan ang bintana, para naman makita ko ang labas ng bahay. Bakit ba ayaw nitong mabuksan? ang higpit din ng pagkakalapat ng mga nakaharang dito. Paano ba ito buksan?'' kinakabahan na tugon ni Eve. Dasal din niya na sana hindi makahalata ang babae sa binabalak niyang pagtakas. ''Naku ma'am, hindi po ninyo yan mabubuksan kung wala kayong Remote na gag

