BINUHAT ni Aaron si Eve, at ipinasok niya ang kanyang asawa sa loob ng Secret Room, para mapalitan ni Edna ang kanilang Bed Sheets. Binihisan din niya ng maayos si Eve, upang hindi ito ginawin. Mabilis naman na pinalitan ni Edna ang bed sheet at pati ang cover ng comforter ay pinalitan din niya. Tinanggal din nito ang matress protector at pinalitan ito ng bago, dahil sa daming dugo na natuyo rito. Mas mahirapan na kasi silang lmtanggalin ang dugo, kapag natuyo ito ng husto ng ilang araw o lingo. Makapal pa naman ang matress protector ng kanyang amo, kaya siguradong mahihirapan ang labandera sa paglaba nito. Naawa din siya kay Eve, dahil sa naiisip niyang kalagayan nito. Nahuhulaan na rin niya, kung ano talaga ang sakit ng dalaga. Kaya hindi na lang siya umimik pa at hindi na rin siya nag

