"Lord, paano namin huhuliin si ma'am, kung bawal namin hawakan?" tanong ng isa sa tauhan ni Aaron. ''Basta hanapin niyo at ako ang bahala sa kanya.'' sagot naman ng binata. Agad din niyang isinuot ang kanyang somberong waway at naglagay ng panyo sa mukha, bago siya sumunod sa kanyang mga tauhan na patungo sa dereksyon na pinuntahan ni Eve. Halos hindi rin maipinta ang kanyang mukha, dahil sa inis niya sa dalaga. Hindi niya inakala na magtatangka pa itong tumakas at iwan siya, kahit ibinibigay na niya lahat ng kaginhawaan sa dalaga. ''Lord, tumakas daw si ma'am Eve?'' Biglang napalingon si Aaron, dahil sa boses ni Vaning. Kararating lamang ng babae, galing sa kanyang bahay, kaya ngayon lang siya nakabalik sa bahay ng kanyang Lord. ''Vanessa, mabuti't bumalik kana. Tulungan mo akong h

