NAGING MADALAS ang pag bisita ni Jude, sa bahay ni Even. Lagi din itong maagang dumarating sa umaga at doon na siya kumakain ng almusal. Mafalas ay siya na rin ang nagluluto ng agahan nila. Mamimili lang siya ng mga iluluto niya sa Bayan, bago siya pumunta sa baryo. Kasama na rin pati ang tanghalian nila, hanggang hapunan ang binibili niyang ulam. Pati ang mga Co-Teacher nila na sina Thalyn, Mheann, at Jema May ay nakikikain na rin sa bahay ni Even, dahil ni-invite sila ni Jude, na doon na kumain upang hindi na sila umuwi sa tanghali. Gustong-gusto din ng tatlo ang pumunta sa bahay ni Even, dahil hindi na sila uuwi sa kanilang mga bahay, para sa tanghalian. Makakapag pahinga pa sila sa bahay ni Even, dahil pwede rin silang matulog sa isang kuwarto ng bahay ng dalaga. Malayo din kasi ang

