ARAW NG LINGO, maagang sinundo ni Jude, ang mag-inang Eve at Aj, para ipasyal silang dalawa sa bayan. Madalas din nilang gawin ito, kaya tuwang-tuwa si Aj, habang sakay sila ng kotse na hiniram ni Jude sa kanyang tiyuhin, para may masakyan sila na mag simba. Lahat ng makakita sa kanilang tatlo ay natutuwa, dahil sa napaka cute na anak ni Eve. Napakagaling din tumawa ni Aj, kaya lahat ng makita nitong tao ay nginingitian ng bata. Matapos silang magsimba, ay pumunta naman sila sa Mall. Nakaupo lang sa stroller si Aj, habang itinutulak naman ito ni Jude, gamit ang isang kamay at nakahawak naman ang isa sa kamay ni Eve. "Kumain muna tayo, bago tayo mag shopping, baka magutuman ka. Napakarami pa naman ng tao ngayon at siguradong mahaba na naman ang pila sa counter mamaya. Abutin na naman

