MASAYANG nag kuwentuhan ang mga magkakaibigan. Tabi-tabi rin ang mga mag-asawa, kaya pati ang mga asawang babae ay nakikipag tawanan na rin sa mga lalaking nag-uusap. Pangiti-ngiti lang si Eve, dahil naiilang pa rin siya sa mga kasama. Ngayon lang din niya nakita sa personal ang mga ito, kaya ganon na lang ang pagkailang niya sa mga hinahangaang mga International Models. Beer ang iniinom ng mga lalaki at Punch naman ang mga babae. 5% alcohol lang ang meron ang punch, kaya hindi ito nakakalasing, kahit magdamag pa silang uminom nito ay parang isang tagay lang ang epekto. Naka isang baso lang si Eve, dahil iba ang pakiramdam niya sa iniinom. Parang lalo siyang nakaramdam ng antok, dahil dito. Ibinaba niya ang kanyang baso sa kanyang harapan, at ipinilig ang kanyang ulo sa balikat ni Aaro

