"Sino po?" nagtatakang tanong ko. Wala naman akong alam na ibang tao na gustong makipagkita sa amin. "Malalaman mo mamaya, mahal ko. Damihan mong kumain, para malakas lagi ang katawan mo." sabi sa akin ni gurang. "Ano ba kasi yun? Kinakabahan ako sa ginagawa mo. Bakit ayaw pa kasing sabihin." nayayamot na tanong ko. "Trust your husband this time, Hija. Ngayon ko lang yan kakampihan, dahil alam kong ikakatuwa mo ang lugar na pupuntahan niyo." sabi rin sa akin ni Mommy. Ano bang meron sa mag-inang ito? Bakit nagkakampihan sila? Hindi ko na lang pinansin ang dalawa, dahil alam ko naman na hindi nila sasabihin sa akin kung ano ang meron at kung saan kami pupunta. Bahala na nga, basta kakain ako ng marami, dahil ubos na ang lakas ng katawan ko, dahil sa gurang na mahilig. MATAPOS nam

