TAWA NG TAWA si Mr. Toh, dahil sa tagumpay na kanyang tinatamasa. Hinihimas din niya ang napakaraming pera na nabawi ng kanyang mga tauhan, mula kay Attorney Malvar. Kumuha din siya ng ilang bundle at hinalikan pa niya ito ng ilang beses. Bago ibinigay sa mga tauhan niyang nasa harapan niya. "This is for you. Hate-hate!" "Thank you, boss..." sagot naman ng pinaka leader ng mga tauhan niya at nakayuko pang tinanggap ang pera. Agad naman na hinati-hati ng pinaka leader nila ang pera at isa-isang ipinasa sa mga kasama nito ang shares nila. Tuwang-tuwa naman ang lahat, dahil sa napakalaking halagang iyon. Malaking tulong na rin iyon, para sa kani-kanilang pamilya. "Where is Daphne?" Walang anu-ano ay tanong niya sa mga tauhan niyang nakatayo sa kanyang harapan.. "She's in her room, bos

