EVE'S POV.... ***** NAGISING AKO dahil sa paghilab ng tiyan ko. Para akong matatae na hindi ko mawari, dahil sa sakit nito. Dahan-dahan akong bumangon para maka pag-cr sana, pero lalong sumakit ang puson ko na parang hinihiwa. Pati ang balakang ko ay parang gusto na rin maghiwalay sa sakit at umaakyat din ang sakit sa likod ko. "Daddy, daddy, gumising ka! Manganganak na yata ako. Bumangon kana at ihanda ang mga gamit ni baby." malakas na wika ko, habang inaalog ko ang balikat ni Aaron. Halos kakatulog lamang niya, dahil may nilakad sila ng groupo niya kagabi at madaling araw na siya nakabalik dito sa bahay. Naramdaman ko pa kanina ang pagtabi niya sa akin. Niyakap at hinalikan din niya ako, bago siya tuluyang nakatulog. Muli din akong naidlip, ngunit nagising din ako dahil sa biglang p*

