MABILIS na pumasok sa loob ng banyo si Aaron, para makapaglinis ng katawan. Ayaw din niyang lumapit sa mag-ina na amoy pawis at baka mangati ang mga 'to. Galing pa naman siya sa paglilibot sa buong Hacienda. Baka may kumapit na rin na makating insekto sa kanyang damit o balat. Kinuskos rin na mabuti ni Aaron, ang kanyang katawan saka siya nag toothbrash ng dalawang beses. Ilang beses pa siyang bumuga sa kanyang kamay, upang maamoy niya kung mabango o mabaho ba ang kanyang hininga. Matapos niyang masiguro na mabango na ang kanyang hininga ay agad na siyang lumabas ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya. MALAWAK ANG PAGKAKANGITI niyang lumapit sa nahihimbing pa rin na mag-ina. Hindi pa rin namamalayan ni Eve, ang kanyang pag dating, kaya lalong nag diwang ang kanyang loob. Hinila din niya a

