PAGDATING nila sa manggahan ay mabilis naman na nilapitan nina Bhella at Mimi ang pamilya. Una nilang kinuha si Aj, mula sa baby carrier at patakbong dinala ito ni Bhella sa loob ng Helicopter. Si Mimi, naman ay inaalalayan si Eve na makababa ng kabayo. Natakot kasi ang mga lalaki na hawakan si Eve, dahil sa takot nilang maputulan ng kamay. Dati pa kasi na ayaw ni Aaron na may humawak sa asawa niya at kahit tingnan lang nila ito ay bawal pa. AGAD na umalis ang Helicopter, matapos na makasakay ang lahat. Kahit papalayo na sila sa lugar ay nanginginig pa rin sa takot si Eve. Hindi kasi niya inasahan na ganito kagulo ang buhay ni Aaron Go. Ang buong akala niya noon ay magiging masaya siya kapag nakuha niya ang lalaking matagal na niyang pinapangarap. Ngunit ngayon na magkasama na sila at na

