MATAPOS MAKAPAHINGA si Aaron ay agad na siyang bumangon, upang malinisan muna si Eve. Kumuha siya ng towel at binasa niya ng maligamgam na tubig, saka pinunsan ang mselang parte ng katawan ng asawa. Binihisan din niya ng pajama si Eve, at nilagyan ng kumot. Ipinagtimpla din niya ng gatas si Aj at inilagay sa milk warmer, para manatiling maligamgam ito. Inayos din niya ang kumot ni Aj, para hindi ito lamigin. Ibinigay din niya ang paboritong unan ni Aj, at ipinayakap niya ito sa bata para mas masarap ang tulog niya. Muling pumasok sa banyo si Aaron at mabilis na nag shower, at nagbihis. Kinuha din niya ang lahat ng kanyang gamit na nakatago sa isang box na nakalagay sa sahig ng malaking cabinet. Inilagay niya ang lahat ng kanyang kailangan sa kanyang katawan, saka siya nag suot ng kulay

