Electra POV
“Teka, ano bang nangyayare dine?” Hinawi ko ang dalawang babae sa daraanan ko.
Pagdating ko dito sa bahay, sinabi sa akin ng isang kasamahan namin na nasa office daw ni Boss Z at si Marga. Kaya dali-dali akong nagtungo doon para malaman kung bakit.
“Ang kapal din ng mukha ng babaeng ‘to! Boss Z, ganoon na lang ba ‘yon?” Dinuro niya ang mga kaharap.
“Sinong may pakana nito?” naiinis na tanong ni Boss. Sumilip ako sa nakaawang na pintuan.
“Nagkaroon na naman ng rambol kanina sa kusina. Nasugatan ni Marga sa mukha si Tricia. 3 vs 1 nga ang laban.”
Napasinghap ako. Tumingin muli sa loob ng opisina. Nakaupo si Boss Z sa kanyang desk, nakapanjama pa at halatang wala pang sapat na tulog. Sa gilid niya si Polaris, samantalang nakatalikod sa amin si Marga, kaharap ang tatlong nanlilisik ang mga mata sa kanya. Nakahawak si Tricia sa pisngi niyang may puting benda.
“Boss, sinira niya mukha ko. Paano pa ako nito ngayon?” naiiyak na aniya. “Dapat magbayad siya! Paalisin niyo na ang babaeng ‘yan dito.” Binalingan niya ng masamang tingin si Marga. Tumatango-tango naman ang dalawang alagad niyang hinahagod siya sa likod.
Pinapakalma siguro.
“Huh! Ako pa talaga ang papaalisin mo? Buhay ko rin naman ang nagdelikado sa ginawa ninyo. Against sa rules na ‘tin ‘yan dito sa bar at hindi ko pa nakakalimutan mga ginawa mo, sinusulot mo ang costumer ko. Kagabi, narinig kita, kausap mo siya sa labas!” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Marga.
Inaagaw ‘yong costumer niya?
Nakita ko nga kagabi iyon. Nahagip ng mata ko habang nagsasayaw. Nakaupo siya at mag-isang umiinom gaya ng dati.
“Against the rules din na manakit lalo na ang sirain ang kabuhayan na ‘tin. Marga, nakikita mo ba ang ginawa mo? Sinira mo ang mukha ng isa sa mga star ko dito.” Hinampas ni Boss Z ang lamesa niya na ikinaigtad naming lahat.
“Pero boss, siya ang may kasalanan. Nagpapahinga ako sa kwarto ko nang kumatok sila ng paulit-ulit. Pagbukas ko, mga basura nila ang bumungad sa akin. Pinagtulungan nila ako!”
“Sinungaling siya!” saad ni Aira. Kumunot ang noo niya nang mapatingin sa gawi namin. “Wala kaming ginagawa sa kanya, boss. . .”
“Hindi totoo ‘yan!” sigaw ng isa pa nilang kasama.
“Sinugod niya ako kanina habang kumakain kami sa kusina. Tanungin niyo pa mga ibang babae d’yan!” depensa ni Tricia. Tinuro ang pinto kung nasaan kami. Nagbulungan ang mga kasama ko dito na nakikiusyoso din sa nangyayari.
“Bigla na lang dumating si Marga sa kusina kanina, dala mga basura. Tinapon nga sa table nila. Kadiri may mga napkin, at wipes na. . . basta, eww!” nanginig siya sa sinabi. Sinulyapan ko silang nakasilip sa pinto.
Ang isa may dala pang toothbrush na nasa kanyang bibig. Ang isa, may rollers sa bangs niya’t nakapantulog. Ang kaibigan nila na gaya ko, mukhang kararating lang base sa mini-skirt niyang suot at sando na puti. Halatang umunat na ang kulot niyang buhok. Lahat sila, tumitingkayad, yumuyuko para makita lang ang nangyayari sa loob.
Naiiyak ako sa kinatatayuan ko sa galit at sa pwedeng mangyari kay Marga. May pinirmahan kaming kontrata. Kasama doon ang dapat pag-aalaga sa aming physical na anyo. No scar and maintain healthy. Kasama na doon ang bawal makipag-away sa mga kasamahan namin. Inaalagaan ang katawan at looks namin dito na siyang puhunan namin sa ganitong klaseng trabaho.
Kumpleto kami ng check-up every 6 months para masiguradong malinis at walang nakakahawang sakit. Maging ang dental health namin, is necessary. Isa ito sa mga dahilan kung bakit sikat ang bar na ito. Mahal ang mga inumin at membership fee kaya naman sinisigurado nilang sulit.
Kaya pag ito ang nasira, may parusa. Lalo na sa amin ni Marga na may malaking halagang utang pang binabayaran.
“Boss—” Pinahinto ng isang malakas na hampas ang pagsasalita ni Marga. Hinilot niya ang sintido at pumikit.
“Sumasakit ang ulo ko sa inyo. Wala pa akong tulog. Paano na niyan ang mukha mo? Mag-iiwan iyan ng bakas.”
“Boss, ayaw ko! Ipapa-derma ko or. . . papa-lacer o kahit na anong paraan. May pupuntahan pa kami ni Senator na biggest and high-end event! Ako ang isasama n’ya. I can’t missed that! Last year ako ang kasama niya and this year too. Hindi pwedeng may marka ako. Maraming mga mayayaman doon, pwede ako makakuha ng ibang clients and . . . please, boss. . .” mahabang saad ni Tricia. Natataranta at halos magmakaawa na sa harap ni Boss Z.
Kumunot ang noo ko sa. . . sino daw? Senator?
“At sino gusto mo sumagot ng expenses mo? Aba, mahal ‘yan.”
“Maliit na galos lang ‘yan, kumpara sa ginawa mo sa akin. Hindi ko pa kayo nasisingil sa mga binayad ko sa hospital bills kahapon.”
“Napatunayan mo na bang kami?” Umirap si Aira. “Puro ka bintang.”
“Kailangan ko pa ba ng ebidensya? Kayo lang naman ang may galit sa amin ni Danie dito.” Dinuro niya ang tatlo.
“Isa pa ‘yang babae na ‘yan, boss. Dalawang client ko ang sinulot niya. They are my biggest money pot.” Ikinumpas ni Tricia ang kamay niya na parang nandoon ako sa harap niya.
“Wala siyang sinusulot! Laos ka lang talaga at siya mas fresh sa ‘yo.” Sikmat ni Marga na ikinagalit ni Tricia, tangka siyang susugurin ng pigilan ng dalawa. May binulong sa kanya si Aira at pasimpleng nilingon ako sa pinto.
“Baka— baka, hindi kaya si Danie may gawa sa ‘yo n’un. Siya lang kasama mo sa kwarto. I bet siya lang nakakaalam sa sakit mo. Malay ba na ‘tin, papansin din ang babaeng iyon. Baka gusto ka niyang mawala.”
Huminga ako ng malalim sa akusasyong narinig mula kay Tricia. Tumaas ang kilay niya. pasimpleng ngumiti ngunit mayroon pa ring pagpapanggap para siya ang kampihan.
Umubo si Polaris bago nagsalita. Hinagod n’ya ang kanyang dibdib.
“Mas malaki ang kita na naipapasok ni Senator for Electra. Siya mismo nag-request sa akin na si Danie ang ilalabas niya. Bayad every night niya, may dagdag pa kung ilalabas niya si Danie. Tripled ng rate mo, Onion.”
“It’s Orion. . . not onion!”
Napasinghap lahat ng nakarinig sa sinabi ni Polaris. Maging ako, napaawang ang bibig. Hindi ko alam na ganoon kalaki ang binabayad niya para sa akin. Ang alam ko, may tip lang siyang binibigay kay Polaris para bantayan ako.
“What? That’s impossible.” Hindi makapaniwalang binalingan ni Tricia ang mga kaibigan.
“Ako ang may pinakamataas na rate, ‘di ba?” paninigurado niya.
“Yes, na. . .” binalingan ni Polaris si Boss Z, “na nahihigitan na ni Danie ngayon. Hindi pa counted d’yan mga ibang clients niya at mga tips sa pagsasayaw. Mataas nga ang rate mo, compared sa kanya, pero mas mataas ang demand niya kaysa sa ‘yo.”
Pumalakpak si Marga. Ramdam ko ang pagka-proud ng kaibigan ko para sa akin.
“Ikaw din Marga, ingatan mo client mo ngayon. His willing to pay you more than your rate now. At iwasan mo nga ang gulo. Pakiusap.”
“Hindi naman ako ang nagsisimula. Sila! Tapos ngayon ako naman aagawan niya.”
“Ganoon na lang ‘yon?” Tumayo si Tricia sa gitna nila. “Kinuha ni Danie ang client ko, sinira niya ang mukha ko. . . wala man lang ako makuhang simpatsya sa inyo. Sinira nila ako dito, iyang Danie na ‘yan sinisiraan ako!” sigaw niya. Tinuro niya ang pinto. Napasulyap si Polaris sa akin.
“Hindi mo pwedeng isisi kay Danie ‘yon.” Pagtatangol sa akin ni Polaris.
“Tama!” gatong ni Marga, nag-thumbs up sa kanila.
“Kung saan mataas, at gusto ng kliyente, doon ako.” dugtong ni Boss Z.
“Danie?” tawag sa akin ni Polaris. Napakurap-kurap ako sa gulat.
“Ah, oo. May kasalanan pa kayo the last time.” Tinawag ako muli ni Boss Z at pinapasok.
“Tricia and company, Danie. . . sana naman tapos na at naliwanagan niyo na walang inagaw si Danie. Since kanina ka pa yata ‘dyan, narinig mo naman siguro sinabi ko, Danie, ‘di ba?”
Lumapit ako at naupo sa tabi ni Marga. Tumango.
“Tsk!” irap ni Aira.
“Tricia, hindi ko rin gusto ginawa mo kay Danie. Paano kung nasaktan mo siya?”
Napairap si Tricia sa sinabi ni Boss Z, nag-iba ang tono niya nang banggitin ang pangalan ko.
“Paano naman ‘tong mga galos ko at this bullshit scar?” Tinuro niya ang mukha. Pagalit na inalis ang maliit na benta. Namumula pa iyon at may bahid pa ng dugo sa gilid. “Ganoon ba kabilis maalis ‘to?”
“Since— si Marga ang may gawa niyan at kayo ang nag-away, hati kayo sa bayad pampa-derma mo or— lacer. Bahala ka. Basta make sure, hindi makakaabala sa performance mo ‘yan.”
“What!” sabay nilang saad.
“Pero hindi pa ako bayad sa utang ko sa ‘yo kahapon. Malaki din bill ko! Sa private niyo pa ako dinala. Sila may gawa noon sigurado ako!”
Tinuro niya ang grupo nila Tricia. Hinawakan ko ang mga daliri ko. Malaki mawawala sa ipon ni Marga kung magkataon. Balak niya itong ipambayad para makaalis na dito sa puder nila at sa ganitong klaseng buhay. Hindi pa ganoon kalaki ang ipon namin. Mababawasan pa!
“Wala nang tanong. Sa gumawa naman sa ‘yo, imbestigahan ko pa rin. In the meantime, wala pa. We will refund you sa mga ibabayad mo Marga. Sa gumawa naman, doubled and babayaran niya. Okay ba? Makakatulog na ba tayo?” maarteng paliwanag ni Boss. Inisa-isa niyang nilipat sa amin ang tingin.
“Boss—.” Tawag sa kanya ni Tricia. Gustong umapela sa desisyon ni Boss Z.
“Then, matulog na tayo. May trabaho pa tayo mamaya. And Polaris, ikaw na bahala maglinis sa sugat niya. You two, may sayaw pa kayo mamaya, ‘di ba? Kayo naman Marga and Danie, magpahinga na rin. Kaka-uwi mo lang ba, Danie?” utos niya. Hindi pinapansin si Tricia na nagta-tantrums na sa kanyang kinauupuan.
“Yes, po.” Sagot ko.
“Takpan mo mamaya ‘yang mga marka mo sa leeg.” Tinuro niya ang leeg niya. Sa katapat na parte kung saan meron ako.
“O-opo.” Napahawak ako sa leeg ko, nahiya sa marking na ginawa ni Senator.
Hindi niya pinansin ang mga pagtutol na ginawa ng grupo nila Tricia. Lumabas na si Boss ng kwarto’t naiwan kami. May mga ngising inis si Marga-ng nilingon ako bago sa mga babaeng kinakausap na ngayon si Polaris para kumbinsihin si boss na sagutin ang pagpapa-derma niya.
“Congrats to us, dear friend! May naghihintay yatang bonus sa atin. Yeee! Burger ka naman d’yan! In demand ka daw kasi, girl.”
“Ikaw din. Coke ka naman?”
Sinabayan namin iyon ng pagtawa. Pinatulan ko ang pang-iinis niya sa tatlo. Natawa sa amin si Polaris na may— kaunting pahabol na pangaral.
“Kung alam mo lang paano ko hinila buhok ng babaeng ‘yon, sinabay ko pa sa alalay niyang si Aira. Hmm, deserved!”
Inayos ko ang unan ko at hinarap siya. “Akala ko paparusahan ka sa ginawa mo sa mukha niya. Kinabahan ako doon, bente.”
“Tsk! Sabi nga ni Donya Polaris, mataas napapasok na ‘ting pera. So, hindi niya gagawin ‘yon. Takot lang nila mabawasan ng kita sa isang gabi.” Inayos niya ang takip sa mata niya.
“So, si Mr. Sadista na biggest costumer mo ngayon?”
“Hmm. . . sabi niya. Sabagay, sa gabi-gabi ba naman na nandito siya, hindi na ako nakaka-pag-entertain ng iba bukod sa kanya. And he offered me to become his submissive— fulltime.”
Tumango ako kahit ‘di niya nakikita. Ganoon din si Senator. Wala man siya, bayad ako, huwag lang mailabas ng iba.
Kaya, hindi maka-move-on si Tricia kay Senator. Nawalan siya ng big fish sa kanyang daily menu.
Malaking halaga ‘yon! And sa ganitong klaseng lakaran, dapat ma-maintain mo ang status mo. If not, better go na lang. Dahil like sa trabaho namin at sa tingin ng iba sa amin, isa kang basura. Mas mababa pa kung wala ka sa sinasabing list of star ni Boss Z.
Ano kaya sinasabi ni Tricia na ilalabas siya ni Senator? Iisang senator lang kaya sinasabi niya sa senator ko?
So, hindi ako ang isasama niya sa event na hindi niya nababanggit sa akin?
Anong ginawa niyang pagkumbinsi dito para gawin iyon ni Senator?
Kagabi lang, halos ayaw niya ako bitawan. Na sobrang missed daw niya ako. Then, why?
O— baka, tsk! Walang katotohanan sinabi ni Tricia just to make me galit.