Danie POV Paglabas ko ng kwarto ng Don, nakasalubong ko ang Donya paakyat ng hagdan, looking so elegant and young at her age. Mayroon na naman siyang dalang mga paper bags na hindi mabilang sa dami. Nakangiti siya habang naglalakad, sayang-saya, ngunit nang makita ako, para bang nilipad ito ng hangin at napalitan ng kung ano. Bahagya akong yumuko bilang paggalang sa kanya. “Nandito ka pala. I heard nagpatawag si Samuel ng party para sa graduation mo. Wow! Magsasayang pa ang matanda para lang sa palamunin niyang scholar.” Tumawa siya matapos sabihin iyon. Hirap na hirap siyang pinaglipat sa kabilang kamay ang mga paper bag na dala. I wonder kung hindi pa napupuno ang kwarto niya sa dami ng mga pinagbibili simula ng umuwi sila dito. “Oh, by the way! Kamusta pala ang mga investors? Nagpada

