Danie POV “Ahm, sa ibang araw na lang siguro. Madami pa akong dapat tapusin at—” “Okay! Meet me at 6 PM sa garage.” Anya. Natulala ako sa sinabi niya at nagulat na lang nang ihagis niya ang itlog sa harap ko. Agad ko itong sinapo gamit ang dalawang kamay. Nanlalaki ang mga mata ko iyong nasapo sa tapat ng dibdib ko, agad ko iyon niyakap para maiwasan ang pagkalat nito kung basag man. Teka! Ano daw? “Hoy! Hindi naman ako nag-oo, ah?” sigaw ko. “Bingi ka ba?” Pambihita ‘to! Itinaas niya ang isang kamay, nakaturo ang hintuturo sa taas. Anong ibig niyang sabihin? Sinigawan ko muli siya. “Hooy!” pero huli na, nawala na siya sa paningin ko. Nakalabas na siya ng pintuan ng kural nang wala man lang lingon-lingon. Tangkang susundan ko siya. “Pumunta ka mag-isa mo! Mukhang manok!” sigaw ko sa

