Danie POV “Danie, may pasok ka?” “Wala naman po. Kailangan ko lang pumunta sa bayan para sa mga pinapaayos na bagong makinarya.” Sagot ko habang may hinahanap sa bulsa ng bag ko. “Ay, ganoon ba ga? Ito oh— baunin mo para nang ikay may makain habang naghihintay.” “Salamat ‘ho. Sige ‘ho alis na ako. Baka kunin pa ni Popoy ang baon ko.” Inilabas ko ang maliit na notebook na pinaglalagyan ko ng mga contact informations na kailangan ko. Nagtawanan kaming lahat. Si Popoy ang nakatokang driver ko pag-aalis ako ng hasyenda. Napakamot siya sa kanyang batok at dinepensahan ang sarili. Hindi pa ako ganoon kahusay magmaneho at— takot pa sa mga naglalakihang mga sasakyan. Ewan ba, ninenerbyos ako sa tuwing may bubusina sa kalsada. Pakiramdam ko, pinapatabi nila ako dahil sa sagabal ako at mabag

