Electra POV
Sumilip ako mula sa likod ng stage, mula sa nakatabing na itim na tela, kitang-kita ko ang buong crowd na masayang nag-iinuman, nagku-kwentuhan at mga gawaing dito mo lang makikita.
Maraming tao, karamihan mga kalalakihan sa iba’t ibang edad. Busy ang mga waiter kaka-served sa mga costumer. Sa likod naman ng stage dumadaan ang mga waiter papunta sa VIP room na ‘gaya dito, marami na ring tao.
Huminga ako ng malalim, naramdaman ko ang presenya ni Marga sa tabi ko, sumilip din siya bago hinarap si Bebang na nagpa-final retouched sa kanya. Inayos niya ang kulot nitong buhok bago pinahiran ng panibagong layer ng lip gloss. Pareho lang kami ng kulay ng suot ngayon at make-ups ang ipinagkaiba lang ang mga mask namin at suot na kulay ng contact lenses.
Black and Blood ang theme ngayong gabi. Ang mga stuff, nakasuot ng mala-vampire na costume. Dahil malapit na ang Halloween kaya ginawa nila ito. Ngayon lang may theme ang bar sabi na rin nila. Wala ka makikitang makikinang na ibang kulay ng mga babae dito kung hindi itim na kumikinang lang, na may touch of red.
Come, lay me down
‘Cause you know this
‘Cause you know this sound
Sabay kaming naglakad palapit sa stage. Nagtitinginan bago hinawi ang gilid ng leeg pababa sa aming dibdib. Inisang iko’t iniyuko. Inikot ang balakang ng dalawang beses bago nag-slow-mo, sinasadyang ipakita ang pang-upo namin na tinago lang ng manipis na tela.
In the middle of the night. . .
Hinawakan ko ang pole, hinagod ito taas baba ng dalawang kamay ko. Hindi na halos marinig ang tugtog dahil sa mga lalaking naghihiyawan at claiming us to be with them. Ang iba, ino—offer-an na kami ng halaga. Some are checked. Blanked checked.
Dahan-dahan ako umupo. Pahagod sa stainless na bakal. Tinuro ang isang lalaking na-spot-an ko. Lumiyad at binuka ang aking harapan paupo. Dinilaan ko ang mga daliri’t hinagod ito sa gitnang bahagi ng katawan ko.
“f**k! Be mine tonight, Electra!” sigaw niya.
Bumitaw ako sa pagkakahawak at lumapit sa dulong bahagi ng stage. Hindi man niya ako maabot sapat nang makita niya ito ng padaplis. Hinagis ni Marga ang suot na itim na kapa sa isang lalaki. Sinalo niya ito at inamoy na para bang ito ang pinakamasarap na amoy sa lahat.
Nilanghap na para itong isang droga.
Naghiyawan ang lahat. Dahan-dahan akong tumalikod, dumapa, ini-slide ang katawan sa sahig, sabay dalawang beses na pinalo ang sahig sa sensual na paraan.
Just call my name, I’m yours to tame. . .
Tinitigan ko s’ya. Hawak ang dalawang dibdib ko. Nakatihaya, itinaas ko ang balakang ko at iginiling ito sa gusto niyang paraan na gawin ko sa kanya. Kagat labing napahawak siya sa kanyang pantalon. Nahihirapang hindi malaman kung paano ilalabas ang gigil na nakikita ko sa kanyang mga mata.
Isinenyas niya ang daliri sa akin. Napangisi ako, tinatawag niya ako. Halos magmakaawa na. Inilabas ko ang dila ko gaya ng nasa plano, inikot-ikot ito. . . sa paraang alam kong ini-imagine niyang sa kanya ko iyon ginagawa. . . sa kanyang kaligayahang itinatago sa makapal na telang pang-ibaba.
Tumayo ako hinawi ang kapang tumatabing sa likod ko. Itinaas ko iyon. Iginiling ang balakang pakaliwa’t kanan. Sinenyasan ako ni Marga sa huling parte ng sayaw namin. Nilakad namin ang pole sa sexy-ng paraan na kaya naming dalawa. Parehong hinawakan ang pole. Nag-slide kami sa magkabilaang gilid nito. Hinayaang kusang dumulas ang mga kamay namin sa pole. Unang tumayo si Marga para sumampa sa pole. Inalalayan ko siya sa hindi halatang paraan. Inayos ko ang paa niya’t hinagod ko ito. Mas inaakit ang mga kalalakihang patuloy sa pagsigaw sa mga pangalan naming dalawa. Nagpalakpakan ang iba sa kanila, gusto kaming sunggaban ora mismo para angkinin.
Punuin ang init nila sa katawan.
Itinaas ni Marga ang isang paa sa pole bago nag-split pabaliktad. Kahit na hirap man, ginawa niya pa rin ito para sa ngayong gabi.
Ina-alalayan ko siya, pumuwesto ako sa ilalim. Itinukod ang dalawang paa ko sa likod niya. Iwinawagayway ang mga kamay sa ere na parang isang malamyang kilos. Ilang sandali pa, umayos si Marga, umakyat pa ng kaunti, gumulong ako para makalayo sa matatamaan niyang parte. Ini-arko ko ang katawang gumigiling. Sumasabay sa paggiling ni Marga sa mataas na bakal.
“Pinainit niyo na naman ang ulo ng mga panauhin na ‘tin ngayong gabi, girls.” Palakpak ni Bebang na nag-aabang sa likod ng stage. Inabot niya ang kapang ihinagis ni Marga kanina sa lalaki.
Natawa ako sa trip niya nitong mga nakaraan. Mahinhin ang peg at ang salita— makaluma. Nawala ang pagkabakla niyang lenguahe.
“Fully booked na naman ang buong bar dahil sa inyo. Hindi na magkanda-ugaga mga bouncer sa labas para lang ayusin ang pila ng mga gustong makakita sa pagtatanghal niyo ngayong gabi.” Nginitian ko siya ng tipid.
“Nat! Good luck!” sigaw ni Marga na papalapit. Tinapik ko ang balikat niya ng madaanan ako.
“Thank you mga ate.” Sweet niyang bati. Hinawakan ang kamay ko. Pinisil ko iyon pabalik. Paninigurado sa kanya.
“Go, Baby Sirius!” sigaw ni Bebang na ikinatawa ko. Isinuntok niya sa ere ang kamaong may hawak na make-up brush. Nagtawanan kami, sandaling pinanood si Natasya bago bumalik sa dressing room. Nawala sa paningin ko si Marga matapos niyang um-exit. Hindi ko pinansin ang mga pasaring ng grupo nila Tricia nang madaanan ko sila. Kamuntikan pa ako madapa sa pagpatid sa akin ni Aira.
Iniwasan ko sila. Umiiling na nagmadali ako. Nagpalit ng damit para pumunta naman sa VIP room kung saan sure akong nandoon si Senator. Wednesday ngayon at sabi ni Polaris, naghihintay daw siya. Ang ipinagtataka ko, gusto niyang sabay kami pumunta ni Tricia.
Ano na naman kaya pakana ng babeng ‘to?
Inaalis ko ang pabilog kong hikaw nang bumukas ang pintuan. Napatingin ako sa salamin, mukha niyang kulang na lang magbuhol ang kilay at buhok sa sobrang taas nito. Mukhang inip na inip siyang nakatayo doon.
Nakabihis na siya ng isang pulang bodycon na mas lalong humubog sa katawan niya. Inip niyang pinapatunog sa sahig ang suot na pointed silver gladiator niya. Umirap siya ng magtagpo ang mga mata namin sa harapan ng salamin. Ibinalik ko sa box ang hikaw, pinalitan ko ito ng isang simpleng stud earring na babagay sa suot ko. Sunod ang pag-loosen up sa mga kulot kong buhok gamit ang sariling darili.
“That bracelet looks familiar.” Aniya. Patuya sa akin.
Ngumiti ako sa salamin. Patuloy sa pagbukadkad ng buhok ko. “Uhm, bigay ni Senator. Pinadala niya kahapon.” Sagot ko. Kahit alam naman na niya ang sagot sa sariling tanong niya.
“Sa akin dapat ‘yan.” Napahinto ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya gaya ng pagkatamad niyang pagtayo sa harapan ko.
Hinawakan ko ang wrist ko kung saan nandoon ang kumikinang na bracelet. “Ito ba?” ngumiti ako, itinaas ang kamay. “Sa ‘yo na kung gusto mo. Sigurado naman ako na bibilan niya ako ng mas bago, mas maganda at mas mahal pa.” Iwinagwag ko ito.
Kahit hindi ko naririnig ang pagngingitngit ng mga ipin niya, ramdam ko iyon. Base sa tingin niya naiinis na siya ng todo. Tinignan ko ang necklace na suot niya. “Pero— may naka- ingrave na pangalan ko dito. Hindi bagay sa ‘yo.” Sagot ko, tinalikuran siya. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa, inabot ang suklay.
“Tsk, sige lang. . . ipapatikim ko lang sa ‘yo kung ano mga nararanasan ko. Lubos-lubusin mo na, hindi rin magtatagal ‘yan.” Pagkasabi niya noon, tinalikuran niya ako at lumabas ng kwarto.
Kinuha ko ang wipes sa tabi, pinunasan ang labi para bawasan ang pagkapula nito. Ayaw ko na nang away, ilalaan ko na lang ang buong lakas ko sa mga plano ko. Para ano pang patulan ko siya kung ang dahilan lang naman kaya siya nagkakaganyan ay ako rin.
Ako lang naman ang pumalit sa pwesto niya. Sa akin lang naman lumipat ang mga ipinagmamalaki niyang kliyente. In short, naapakan ko kung ano siya dito nang dumating ako. Sa tagal niya na dito, hirap siguro siyang tanggapin iyon.
Ang suot niyang kwintas, katerno ng bracelet ko. Dumating sa akin na isang kahon na lang. Napag-alaman ko, isang paper bag ito sabi ni Bebang. Hinayaan ko na lang. Nakakapagod din magtanim ng galit.
“Baby. . .” bungad sa akin ni Senator.
Nakaupo siya sa mahabang sofa. May mga inumin na doon at halatang naka-inom na siya. Naniningkit ang mga mata niya at madaldal. Inalis niya ang pagkakaakbay niya kay Tricia ng dumating ako. Tumayo siya para salubungin ako ng yakap. Gumewang pa nang makatayo. Mas lalo ako nagulat nang meron pala siyang mga kasama na ngayon lang nangyari. Nasa apat na lalaki ito at kapwa mga kasing edad niya.
Bukas na ang ilang bitones sa suot niyang long sleeves. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi, matagal. Napadaan ang mata ko kay Tricia-ng naka ‘de-kwatro sa sofa. Umirap sa akin.
“Did you missed Daddy?”
Ngumiti ako, niyakap ang dalawang braso ko sa leeg niya. “Of course, ilang araw kang nawala.” Pinalambing ko ang boses ko.
Sasagot na sana siya nang tumayo si Tricia at lumapit sa amin. “Nag-enjoy kasi kami. Dinala niya ako sa isang hotel dito sa Pinas. And can you believe it, Electra? Isang gabi lang, 150 kiyaw na! Ang ganda pa! The rooms, the bar, the casino at s’yempre to make it more perfect, kasama ko ang pinakamabait, at pinaka-gwapo kong daddy.” Niyakap niya ang braso niya kay Senator. Automatic na napaalis ang mga kamay ko sa leeg niya.
Bale wala naman siyang nginitian ni Senator. Hinapit siya sa baywang. Naiwan ako doon sa harap nila na parang isang nanunuod sa isang couple na sweet na sweet sa isa’t isa.
“You deserved it, Orion. And I’m planning to bring Electra too.”
Pekeng tumawa si Tricia na parang isang joke ang narinig niya. Hinaplos niya sa isang kamay ang dibdib ni Senator. “Busy si Electra, Daddy. You know, siya na kasi number 1 ngayon. So. . . pwede naman na tayo na lang.”
“No. . . Electra is mine alone. Bakit? May naglalabas na ba sa ‘yo na iba?” binalingan niya ako. Nawala ang ngiti niya. Ngumuso naman si Tricia at tinutuya ako sa ngiti niyang iyon.
“Kung meron, ‘di sa na nalaman mo.” Ngumiti ako ng matamis sa kanya. “Sa higpit mo ba naman na ‘yan. . . may magta-take home pa kaya sa akin?” pabebe akong ngumuso.
“Sa akin ka lang kasi. Off limits ka sa iba.” Aniya. Hinapit ako sa aking baywang. Sa magkabilang side kami ni Tricia. Parehong yakap kami sa aming bawyang.
Sa nakikita kong ngiti sa mukha niya, hindi ko gusto iyon. May nararamdaman akong hindi maganda lalo na nandito rin si Tricia.
Hinalikan niya kami sa magkabilang pisngi. Bahagyang pinisil ang tagiliran namin.
Please, no. . .