The Good Mistress | Chapter 14

1030 Words
The Good Mistress | C 14 ___ SELF CARE PUBLICATIONS, MANILA BRANCH. "PARANG NAKAKAPAGOD ang linggong 'tong 'no?" Bungad na salita ni Evelyn nang umupo sila sa kaniya-kaniyang cubicle. Halos sabay-sabay din nilang binuksan ang laptop ng isa't isa. Sa isip ni Kristina, tama si Evelyn hindi lang mukha kun 'di nakakapagod talaga ang linggong iyon para din sa kaniya. Nasa kalahati na siya ng kwento ni Cynthia. Mga ilang chapters na lang ang gagawin niya para patingnan ito sa señior editor nila for approval; hindi na siya makapaghintay. "Good morning everyone.. Just want to announce each of you na pupunta dito ang anak ni Mrs. Bueno.." Napatingin ang lahat kay Sir Mike ang señior manager ng publications. Nagkatingina silang tatlo; matagal na kasi ang haka-haka na walang interes ang anak ni Mrs. Bueno sa kompanya ng magulang niya pero heto at biglang announce si Sir Mike na pupunta ito ngayon dito. For what? Sigaw ng isip niya. E, 'di ba nga noong nakaraang buwan lang naglabas ng sama ng loob si Mrs. Bueno sa kanila dahil sa pagpupumilit niya sa anak niyang tanggapin ang pamamahala ng publications pero ayaw nito. Wala sa sariling napataas kilay si Kristina. Lalake ang anak ni Mrs. Bueno. Hindi pa nila nakikita ng personal ito; ang hiling niya na lang ngayon ay sana bigyang pansin nito ang kompanya. Iyon bang mangyari ang matagal niya ng hiling na sana makisabay na ito sa modern style ng kasulukuyang taon. Sa isip nya nandoon ang takot na baka mawala na ang traditional publications; dahil sa napakaraming nagsulputang online reading app, mayroong dreame, yugto, pahina at kung ano-ano pa. Para sa kaniya mas maganda pa rin ang tradisyonal iyong madadala mo kahit saan ang librong paborito mo saang sulok ka man ng mundo mapunta na hindi natatakot na baka malowbat ang cellphone mo sa kalagitnaan ng pagbabasa mo. "Miss Kristina, are you with us?" untag sa kaniya ni Sir Mike. "Yes, Sir.. I'am." "Well. As our head writer, gusto kong ikaw ang bahala kay Mr. Bueno; discuss him everything about the company of her mom. Hindi naman lingid sa inyo na walang interes si Mr. Bueno sa kompanya ng mommy niya even her sister Clariz~" Hindi rin siya nagulat d'on. Hindi rin tinago sa kanila ni Mrs. Bueno ang tungkol d'on; ewan niya ba sa mga anak ng mabait nilang amo. Kung siya lang siguro ang anak nito, hindi siya magdadalawang-isip alagaan ang kompanyang ito— na palaguin at higit sa lahat ang mahalin. "Are you okay with that, Kristina?" "Wala hong problema sa akin, Sir. Ako hong bahala~" sagot niya. Napangiti ito sa gawi nilang tatlong magkakaibigan. Wala naman talagang magiging problema sa kaniya; kahit papano na-idiscuss naman ni Mrs. Bueno ang lahat sa kaniya bago nito ibigay ang isandaang porsyentong tiwala kay Sir Mike ang pamangkin nito at isang Bueno din. Ang dalawang immidiate family na lang ni Mrs. Bueno ang hindi niya nakikipa pa at heto nga ay ang mga anak nitong hindi nakitaan ng interes mula nang nagsisimula pa lamang siya sa kompanya. ILANG oras na rin nakatutok ang tingin ni Kristina sa screen ng laptop niya; ilang pahina na rin ang natapos niya sa kwento ni Cynthia. Nandoon na siya sa plot twist. Challenge para sa kaniya ang kwento nito; mabuti na lang at kaya niya pa rin bigyan ng resolution ang kwento. Sa pagiging abala niya kahit papano mayroon siyang nakalimutan bahagya sa isip niya, ang lalaking ilang araw na rin umukopa sa diwa nya. Wala sa sariling napatanong siya sa sarili kung kamusta na ito? Hindi na rin ito nagparamdam sa kaniya nang huling beses silang nagkita nang sadyain nya ito sa shop nito. 'Natauhan siguro,' untag nya sa sarili. 'Mabuti na rin iyon nang makapag-focus ako sa trabaho, sa kwento ni Cynthia,' dugtong pa. Naisip niya na rin na kung tuluyang mawawala na ang lalaking iyon sa presensiya niya, mas maibibigay niya ang lahat ng tulog na kakailanganin ng anak ni Mrs. Bueno— mas magiging mabigat ang trabahong iyon kapag nagsabay ang dalawang anak nito na magkaroon ng interes sa kompanya ng nanay nila. Iyon ang mas challenging, dugtong niya. Sa kabilang banda nandoon ang pagtatanong kung bakit nga ba nawala na lamang ng bigla ang pangungulit sa kaniya ng lalaking iyon? Nasaktan ba ito sa mga sinabi niya sa huli nilang pagkikita? E, ano ang magagawa niya sadyang nakaramdam lang siya ng takot sa posibleng isiping masama itong tao; na serial killer. Serial killer? Ang oa! Sigaw ng isip niya. Napailing-iling si Kristina sa mga bagay na tumatakbo sa isip niya. "What makes your mind busy, Ms. Tiger lady?" untag ni Evelyn sa kaniya. Hindi niya man lang namalayan ang pag-upo nito sa harap niya. Busy nga siguro ang isip niya. Kanino kay Connor? "Wala naman. Pinag-aaralan ko lang itong si Cynthia," tugon nyang malamya dito. "Ang akala ko pa naman may na-mi-miss ka lang.." may panunudyo sa himig nito. "Na-mi-miss?" "Galing ako sa lobby at may naghihintay sa iyo d'on. Iyong mukhang na-mi-miss mo—" "Huh? Ano?" "Di ano, kung 'di sino—" "S-sino?" Napakunot-nuo niyang pagtatanong dito. "Connor daw— Connor Marasigan.." Napataas kilay si Kristina— Connor Marasigan, ulit sa utak niya. "Infearness ha! Ang gwapo pala ng manliligaw mo, Pren. Hindi mo man lang sinasabi sa amin para naman di tayo friend nyan ha—" "Wait, Eve. Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ko kilala iyon, hindi ko siya manliligaw." "E ano iyong nakita kong flower at chocolate na dala niya?" "Huh?" "Ang mabuti pa puntahan mo na lang dali na. Sige na." Halos ipagtulukan siya ni Evelyn mula sa pagtayo hanggang sa pagsakay ng elevator. Wala siyang halos nagawa dahil kani-kanina lang umukopa ito sa diwa niya. Nagtatanong pa nga siya kung bakit bigla na lamang ito tumigil sa pangungulit sa kaniya. Napalunok si Kristina— nang sa dibdib niya may naramdaman siyang hindi maipaliwanag na kaba na may kaunting saya. Mabilis ang naging t***k ng puso niya; t***k na naramdaman niya lang kapag nakakaramdam siya ng kilig sa pinapanuod o sinusulat niya. "Heart, kumalma ka— kumalma ka!" angil niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD