If we choose great people, great things will come. Nakangiting kumaway si Sachi kay Palea ng oras na para umuwi sila. Kung tutuusin ay dapat overtime sila lalo na si Ken ngunit tila nabigla ang katawan ni Ken sa daming trabahong naghihintay sa kaniya kaya ay mabilis siyang napagod. Tuloy ay napaaga ang kanilang uwi. Pagdating sa kanilang mansyon ay dinatnan nila ang kanilang parents na masayang nanonood ng telebesyon sa sala. Nakakalula ang laki ng curved TV nila na sa unang tingin ay aakalain mong nasa sinehan ka na. They both greeted their parents before heading on to their respective room. Wala pa man din ginagawa ay tila napagod din si Sachi. Para hindi agad antukin ay agad siyang dumeretso sa kaniyang banyo at sumailalim sa malamig na tubig. Habang si Ken naman ay napabuntong-hining

