CHAPTER 3

2402 Words
“Anak naman eh. Sabi mo after graduation mo ay magtravel ka lang at uuwi ka na. Pero magdadalawang taon ka ng nagtra-travel!” tila batang nagtatampo na sambit ni Violy sa kabilang linya. Sachi laugh. “Oo na, Mom. Eto na nga po oh, nag-iimpake na ako ng mga gamit ko.” “Alright! Good girl. Oh, siya, I need to hang up na dahil nandito na ang organizer namin. Bye, anak. Love you.” “Love you too, Mom.” Matapos ibaba ang cellphone ay napangiti si Sachi. Bitin man ang kaniyang trip sa Thailand dahil sa pagpapauwi sa kaniya ng kaniyang ina ay hindi niya magawang mainis. She loves her mom so much and she wants to spoil her. Kaya naman ngayon nga ay uuwi na siya ng Pilipinas pagkatapos ng ilang taon na pananatili sa Australia at pag-llibot sa ibang bansa. It is good to be free and able to fly high even if you are alone. Oo nga’t nakakalungkot ang mapag-isa o ang mag-isa but sometimes, you find the peace in being alone. Habang hila-hila ang kaniyang maleta sa loob ng airport sa Thailand ay hindi maiwasang maisip ni Sachi kung ano ang magiging buhay niya sa Pilipinas. She’s thinking if she’ll stay in the Philippines for good or not. Mahal niya ang ina pero paano kung hilingin nitong manatili na siya sa Pilipinas? Pinagbigyan siya ng ina noong pinili niyang lumayo. Kaya naman ay nais niya ring pagbigyan ang lahat ng hiling nito. With her mind full of thoughts, Sachi flew back to the Philippines, where something big is waiting. “Ah, traffic.” aniya habang nasa loob ng sasakyan na minamaneho ng kanilang driver. She looked outside and saw the life of Manila. Kay tagal din simula noong huli niya itong nakita. And it feels like nothing changed. Pinanood ni Sachi ang mabagal na pagkilos ng mga sasakyan. Gusto niyang matulog ngunit hindi naman pagod ang kaniyang katawan. Tuloy, wala siyang ibang ginawa kundi ang panoorin lamang ang mga sasakyan na mabagal sa pag-usad. Oras ang binilang ni Sachi bago tuluyang makawala sa mabigat na trapiko at makarating sa mall kung nasaan ang boutique na gagawa ng gown ng kaniyang ina. Kaya siya nito minamadali dahil umpisa na ng gown fitting. Ayon sa ina ay maayos na ang lahat at iyong gown na lang ang ihinuli dahil hindi pa siya nakakauwi. Pakiramdam ni Sachi ay parang kasalanan pa niya. Well, it doesn’t matter at all. Nasa Pilipinas na siya kaya naman tuloy na ang fitting nila. “Ang ganda-ganda talaga ng anak ko.” ang naging unang pagbati ni Violy sa kaniyang anak. Umirap si Sachi ng pabiro at tsaka tumawa. “Bolera ka, Mom.” aniya at yumakap sa ina. Nagawa pang magkwentuhan ng mag-ina dahil wala pa ang mapapangasawa nito. Aniya ay kasabay sila sa pagsusukat. Hindi lang iyon dahil sasaabay din daw ang anak nito. Kung saan-saan na napadpad at usapan at makailang puri na ang mga bakla sa kaniya ay hindi pa dumadating ang kanilang hinihintay. Saad ni Violy, katulad ni Sachi ay pauwi pa lamang ang anak ni Arnel—ang kaniyang mapapangasawa. Dahil hindi na malabanan ni Sachi ang kaniyang pagkaboring ay naglibot na muna siya sa buong boutique. Maluwang iyon at maraming gowns ang nakadisplay, lalo na ang mga wedding gowns. As Sachi tours around, iba’t ibang wedding gown ang nakikita niya. Wala naman siyang balak na magpakasal…sa ngayon. Ngunit natuon na ang kaniyang paningin sa mga naggagandahang gown. Napahinto si Sachi sa pagiikot ng makita ang isang gown. Napangiti siya at marahang hinaplos iyon. She’s about to look for the gowns details ng marinig ang tawag ng ina. Pagharap niya sa gawi ng ina ay sa isang tao agad tumama ang kaniyang atensyon. “This is your Tito Arnel.” pakilala ng ina kaya naman ay napipilitang inilipat ni Sachi ang kaniyang paningin sa amahin at tsaka bumati. “And this is his son, Ken.” pakilala ni Violy at muling napako kay Ken ang paningin ni Sachi. Hindi kailanman gawain ni Ken ang tumitig sa kahit na sino. Lalo na sa mga taong kakakilala pa lamang. But Sachi is an exemption. Kanina pa lang ay nakatitig na siya sa kay Sachi na abalang nakatitig sa mga wedding gown. Mula sa side view ay nagagandahan na si Ken. Ngunit ng lumingon ito sa kanilang gawi ay nakita niya ang kabuuang ganda ni Sachi. He could tell that the beauty of Sachi is simple and elegant. Wala siyang makita na kolorete sa mukha at tanging ang light red lipstick lamang ang naroon. She’s beautiful. It was given. Marami ng nakitang magaganda si Ken ngunit ni minsan ay hindi pa siya napapatitig sa kanila. Kahit pa sa mga niliwagan ay hindi niya sila nagawang titigan. Not even on her. Pero kakaiba si Sachi dahil nagawa nitong panatilihin ang paningin ni Ken sa kaniya without doing anything. Damn. She’s beautiful. Bulong ni Ken. Mahaba ang tuwid na tuwid niyang buhok na mayroong faded color sa dulo. Balinkinitan at halata ang mga curves sa kaniyang katawan. Medyo matangkad din ito at ilang pulgada lamang ang agwat ni Ken sa kaniya. Sachi’s feature is also undeniably beautiful. Ang kaniyang ilong na may katangusan ay bumagay sa may katabaan niyang pisngi. Her deep black almond shape eyes are perfect to her thin long eyelashes and thin brows. Ang kaniyang labi na manipis ay halatang malambot. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Ken ang cleft chin na lalo pang nakadagdag sa karisma ni Sachi. “Hi.” bati ni Sachi kay Ken sabay ngiti ng natural. Hindi alam ni Ken kung guni-guni lang ba iyon ngunit tila tumama ang sinag ng araw sa ngiti ni Sachi na naging dahilan sa pagkasilaw ni Ken. Maganda at mayroon ng angking karisma si Sachi ngunit ng ngumiti siya ay higit nalumakas ang dating niya. That flicker of her Sachi’s smile made Ken to drown. Matagal bago nakabawi si Ken at magbalik bati sa dalaga. Nagsimula na sila sa pagsusukat at ang nauna ay sina Sachi at Ken. Magkaiba ang kanilang taga-sukat ngunit hindi mapakali ang ulo ni Ken at paulit-ulit na sumusulyap kay Sachi. Lalo nan g lumabas si Sachi sa fitting room suot ang isang cream deep V-neck gown. Simple lang ang gown ngunit ngayong nakasuot kay Sachi iyon ay biglang nag-iba ang dating. Napailing na lang si Ken because he’s being in his unusual self again. Pagbalik sa loob ng fitting room ay napabuga ng marahas na hininga si Sachi. Kung bakit ay hindi niya alam. Basta ang alam niya ay nag-iba ang atmosphere simula ng dumating ang ama. Hindi niya mawari ngunit nakaramdam siya ng pagkailang sa presensya ng lalaki. Hindi rin maitatanggi ni Sachi na gwapo ang lalaki. At bago pa man lumalim ang kaniyang iniisip ay umiling na ng umiling si Sachi. “That’s my bag, anak. Pakitignan.” sabay turo sa kaniyang shoulder bag na naroon sa sofa. Tumango si Sachi sa ina at agad ngang tinungo ang sofa. Pag-upo niya ay niyon nya lang din napansin na naroon na si Ken at nakaupo. Nakapan-dekwatro habang nakasandal sa likod ng sofa. Ganoon lang ang kaniyang ginagawa ngunit ang lakas na ng dating nito. Nanliliit na umayos ng upo si Sachi. This is the first time she feel shy towards someone. Hindi naman siya mahiyain sa kahit na sino at kahit saan kaya naman hindi niya maintindiha kung bakit habang nakaupo at katabi si Ken ay nahihiya siya. Prente man ang pagkakaupo ngunit alam ni Ken na naglilikot ang kaniyang mata. Hindi siya makapirmi sa isang gawi at paulit-ulit na sumusulyap kay Sachi na katabi lang niya. Simpleng maong na pantalon na maluwag sa dulo ang suot nito at T-shirt crop top ang pangtaas. Pinaresan niya ito ng puting rubber shoes. And Ken can’t help but to admire her fashion. “I didn’t know that Tita Violy has a daughter.” Lie. Bulong ng isipan ni Ken matapos sabihin iyon. Bahagyang lumingon si Sachi sa kaniyang gawi at agad ding ibinalik sa harap ang tingin. “Now you know.” simpleng sagot ni Sachi na ikingiti ni Ken. “Yeah. And you are beautiful.” bulgarang komento ni Ken at talagang pinanood ang magiging reaksyon ni Sachi. Napangiti si Ken ng malapad ng makitang namula ang pisngi ni Sachi. Ang kaninang ngiti ay naging mahinang tawa. Halos isumpa ni Sachi ang lahat ng diwata kung bakit naman ay mayroong ganito kagwapong lalaki ang magsasabi sa kaniya ng maganda siya. She’s been receiving a lot of compliments but only this man made her blush! “How cute.” sabay tawa muli ni Ken. “Stop flirting on me.” mataray na sabi ni Sachi. Tumaas ang sulok ng labi ni Ken at hindi maiwasang ilapit ang kaniyang mukha kay Sachi at titigan ito. Dahil hindi matagal ni Sachi ang paninitig nito ay lumingon na siya sa gawi ni Ken. Wrong move dahil ilang inches na lang ang agwat ng kanilang mukha. Halos maduling si Sachi sa sobrang lapit ng kanilang mukha ngunit nagawa pa niyang humanga sa kinis ng mukha ni Ken. Hindi lang iyon dahil nagawa pa niyang makipagtitigan. “Hmm…so, who’s flirting?” tanong ni Ken at talagang nalanghap ni Sachi ang bango ng hiningi nito. “Damn it.” bulong ni Ken ng marahang mapapikit si Sachi at tsaka na nagpasyang ilayo ang mukha. Nang magmulat ng mata si Sachi ay masamang tingin ang iginawad niya kay Ken na isinawalang bahala naman ng huli. The atmosphere went awkward. Si Sachi naman ay pinapagalitan ang kaniyang sarili kung bakit siya pumikit matapos maamoy ang mabangong hininga ng binata. Mula ng maglayo sila ng mukha at nakanguso na lang si Sachi. You are starting to flirt again, self. That’s bad. Aniya sa sarlili bago pagdiskitahan ang kaniyang cellphone. Akala ni Sachi ay uuwi na sila pagkatapos ng fitting ngunit nagyaya pa si Arnel na kumain sa isang resto. Hindi naman siya makatanggi dahil pumayag na ang ina. Habang naglalakad palabas ng mall ay naka-angkla si Violy sa braso ni Arnel at ang dalawa ay nasa likod at nakasunod lang. Dahil hindi nagugustuhan ni Sachi ang pakiramdam habang katabi si Ken ay minabuti na lang niya na pagdiskitahan muli ang kaniyang cellphone at ichat ang kaibigan. Ngunit ilang sandali lang ay naramdaman niya ang paglapat ng isang malapad na kamay sa kaniyang bewang at ang sumunod niyang naramdaman ay nakasandig na siya sa katawan ni Ken. “Sa daan ang tingin, Binibini.” bulong ni Ken bago bitiwan ang kaniyang bewang. Kung hindi dahil kay Ken ay baka nabangga na siya ng ilang grupo ng kababaihan na makakasalubong niya sana. She wanted to say thank you ngunit umatras ang kaniyang dila. Nanuot sa kaniyang pakiramdam ang palad ni Ken sa kaniyang bewang and she wants to entertain that electricity but she just dump it quickly. Ayaw niyang magising ang wild na parte ng pagkatao niya. “Where’s the driver, Mom?” tanong ni Sachi ng makalabas na sila sa mall. “Oh, pinauwi ko na, anak. Pati ang mga gamit mo ay nasa bahay na.” simpleng sagot ng ina. “At saan naman tayo sasakay?” tanong niya muli. “Sa kotse ng Tito Arnel mo.” Simple muling sagot ng ina. “My son brought his car too.” imporma ni Arnel at alam na agad ni Sachi kung saan patungo ang usapan. Bago pa man makaalma si Sachi ay nagsalita na ang kaniyang ina. “’Yon naman pala eh. Kung hindi ka komportable na makasabay ang couple ay kay Ken kana lang sumakay.” saad ni Violy. “Pagpasensyahan mo na, Hon. Single kasi kaya masakit ang kaniyang mata sa mga couple.” “Mom!” Sachi’s mom only smile. “Huwag mabilis, Hijo. Okay? Sige na, anak. Nagugutom na ako.” at tsaka na tumalikod si Violy sa anak. Napabuntong-hininga si Sachi lalo na ng marinig ang mahinang pagtawa ni Ken. Tinignan niya ito ng masama ngunit hindi man lang natinag ang binate. Bagkus, inilagay pa nito ang kaniyang kamay sa likod ni Sachi at iginaya sa kaniyang sasakyan ng walang kahirap-hirap. Gustong mainis ni Sachi ngunit hindi niya magawa. Komportable na ang kaniyang sarili at tila kay dali ng sumunod kay Ken. Pagpasok ni Ken sa sasakyan ay muli siyang natawa. Tuloy ay muli rin siyang sinamaan ng tingin ni Sachi. “What’s funny?” maratay niyang tanong. Sumulyap si Ken sa kaniyang gawi bago galawin ang manibela. “Your Mom said, sa akin ka na lang sumakay. So, why are you riding my car? Diba dapat ay ako? Don’t worry, just like what your Mom said, hindi ko bibilisan.” saad nito at nagpakawala ng tawa. Handa ng purihin ni Sachi ang pagtawa ni Ken ngunit hindi natuloy iyon ng makuha niya ang punto ng binata. Nanlaki ang kaniyang mata at namula ang kaniyang pisngi. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya alam kung bakit kusa na lang dumapo ang kaniyang mata sa gitnang bahagi ni Ken. Nang mapansin iyon ni Ken ay siya naman ang namula lalo ng maramdaman ang paggalaw sa kaniyang ibaba. They both look away and curse. “Lagot ka, ginising mo siya. Hindi ito makakatulog hanggat hindi ikaw ang katabi.” pagbibiro ni Ken ng makabawi sa awkwardness. “Stop flirting or you’ll regret it in the end.” sagot ni Sachi na ang paningin ay nasa labas ng binata. “Hm… I’m not scared.” panunuya ni Ken para maibsan ang paninigas ng kaniyang kaibigan. Doon lamang naglipat ng tingin si Sachi at saw akas ay bulgaran ng tumingin sa mukha ni Ken. Napangisi siya bago ngumisi. “Really?” tanong niya at dinilaan ang sariling labi dahilan para mabilis na tapakan ni Ken ang preno. “Yeah.” sambit ni Ken at nakita ni Sachi ang pag-aapoy ng pagnanasa sa mata ng binata. Napalunok si Sachi at biglang kinabahan. Lalo na ng alisin ni Ken ang dalawang kamay sa manibela. At ang huling naaalala ni Sachi ay ang mabilis na paglipad ng isang kamay ni Ken sa kaniyang batok upang ilapit ang kaniyang mukha kung saan ay muling nakatikim si Sachi ng halik. Isang mababaw, mabilis ngunit matamis na halik. Ngumisi si Ken at tsaka nito dinilaan ang sariling labi. “Don’t you try to dare me again, Baby.” aniya at tsaka na muling minaobra ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD