Episode 02

305 Words
Pagtapos ko maglinis sa kwarto ni drake kanina ay umuwi na ako. Masyadong marami ang katulong sa mansion fizzaro kaya madali lang ang trabaho ko. "inay! Anong ulam! " Tumungo ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit, kahit maliit ang bahay namin ay nagawa ng magulan ko na lagyan ako ng kwarto, nagiisa lang kasi akong anak, miracle child. "wala! Mangutang ka na muna dun kela tiya melda mo! Sabihin mo sa katapusan ang bayad" Dahil wala pang sinaing ay nagsaing muna ako at saka pumunta sa tindahan, di naman kalayuan. "nay, pabantay ng sinaing! " "osige! " Ganyan kami ng nanay ko, kahit sobrang liit ng bahay namin ay di namin maiwasang magsigawan ,ewan pero habit nanamin yun. "tiya melda! Pabili" "anong bibilhin mo andeng? " "isang tuyo at dalawang itlog nga po, samahan nyo narin ng lucky me at kamatis! " "oh parang hindi ko nakikita ang nanay mo ngayon ah? " "nako tiya nandun sa bahay, nirarayuma! " "oh ayan na "sabi ni tiya melda sabay abot sakin ng bibilhin ko "sa katapusan na daw ang bayad tiya, salamat! " "osige sabihin mo sa nanay mo pumunta dito bukas! " "sige ho" Pagbalik ko sa bahay ay hinanda ko na ang gagamitin ko sa pagluluto. "nay punta ka raw kela tiya melda bukas, sigurado akong aayain kakanaman nun mag bingo" Binati ko na ang itlog at nilagyan ng asin at betsin. "oo sige alam mo naman yang tiya mo ayan na lamang ang pinagkakaabalahan" Iprinito ko namuna ang itlog pagkahango ay saka ko niluto ang tuyo. Hinawa ko narin ang kamatis para may maisama sa tuyo. Perpect Match! "Nay! Kain na" Hinain ko na ang pagkain atsaka naupo. "ano ka ba andeng ibaba mo nga yang paa mo parang hindi ka babae" Hay nako si nanay hindi pa nasanay sa akin "oh kamusta ang trabaho,nandun nanaman ba yung gwapo mong boss?" "nako nay anong kinagwapo nun, eh mukha ngang tuko na tinubuaan ng mukha" Si nanay ship na ship kami ni drake ,past is past noh "nako parang hindi ko naging crush yun nung elementary panay kwento mo nga sakin" Argghh tuwing naiisip ko yun naawa ako sa sarili ko,pano ba naman ako nag kacrush sa lalaking yun. "ma past past ika nga nila never come back " "sayang lang at hindi ka natuloy sa kolehiyo,kung hindi pang sana ako nagkasakit baka may pagasa pa kayo ni drake"naramdaman kong nalungkot ang boses ni inay matapos sabihin yun "nay wag mo ng isisi sa sarili mo ang mga nangyari dati, ayos lang kahit di ako nakapagaral atlis nakakatulong na ako sainyo nagyon" Itigil ni nanay ang pagkain nya at tumingin sa akin "alam mo anak parang cycle lang iyan, mahirap ako at di naka pag tapos pati ba naman ang anak ko?gusto ko ng magandang buhay para sayo anak, hindi yung nagtatrabaho kalang bilang isang katulong, gusto ko yung nasa di aircon kang lugar hindi naghihirap, kumakayod para lang mabayaran ang utang namin ng tatay mo" Napabuntong hininga nalang ako sa nga sinabi ni nanay, pero lahat ng sinabi nya ay lahat gusto kong mangyari sa buhay ko, kaya nga minsan ay iniisip ko nalang na ampon ako at isang mayaman na pamilya ang totoo kong mga magulang. Pero hindi ko kayang sabihin sa mga magulang ko na gusto kong bumalik sa pag aaral, di ko kayang sabihin na napapagod na ako, dahil hindi ko kaya. "inay lahat ng nangyayari sa buhay ko ay gusto ko,wala akong pinagsisihan. Hindi ko pinagsisihan na huminto para tulungan kayo ni papa, hindi nay" "maraming beses mo ng sinabi yan pero ramdam kong iba ang sinasabi mo sa naiisip mo anak, ako na ang maghuhugas nito magpahinga ka na" Alam kong hindi pa okay si inay pero kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipagusap sa kanya ay baka ano pa ang masabi ko . Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga, habang naka tingin sa kisame ay hindi ko mapigilang mapaisip, ano kaya ang mangyayari sa buhay ko kung totoo yung pantasya kong ampon lang ako at mayaman ang totoo kong mga magulang. Lumalim ng lumalim ang mga naiisip ko bago ako dinalaw ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD