Pagkakain namin ni Christian ng lunch ay bumalik na ako sa aking opisina. Tumambad sa akin ang napakaraming for approval na folder na nakapatong sa ibabaw ng office table ko. “Rose,” pagtawag ko sa aking sekretarya. “Ma’am?” mabilis niyang tugon. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa mga dokumentong nakalapag sa ibabaw ng aking lamesa. “Pakitanong kung sino ang gumagamit ngayon ng Conference Room A,” ma-awtoridad kong utos. Kaagad naman niya akong sinunod. Mabilis lang siyang nakabalik ng aking opisina. “Ma’am ginagamit daw po ng Marketing. May emergency meeting daw po sila.” Tinanguan ko siya pagkaraan ay maagap akong tumayo upang pumunta sa conference room. Seryosong nagpapalitan ng mga ideas ang Marketing Team na pinamumunuan ng project head na si Anna. Naroon d

