Habang tumatakbo ang aming sasakyan ay umilaw ang screen ng cellphone ni Joaquin na nakalapag sa may dashboard. Nagbaba siya ng tingin doon. Bumagal ang paraan ng aking paghinga nang matanaw ko ang pangalan na nag-appear sa caller id. Luzviminda Berdaje Calling... Itinabi niya ang sasakyan sa gilid ng highway pagkatapos ay nilingon ako. “I’ll just take this call,” he said coldly bago tuluyang bumaba ng BMW. Kumalabog ang puso ko kasabay ng malakas na paraan ng pagsara niya sa pinto. Doon siya tumayo sa lilim ng isang di-kataasang puno. Marahan kong ibinaba ang bintana, kitang-kita ko siyang paroo’t parito ng lakad habang nakatapat ang cellphone sa kanang tainga. Ilang minuto rin ang tinagal niya sa labas habang ako ay pilit na kinakalma ang aking sarili. Kung ano man itong nararam

