Nandito na ako sa loob ng unit ko, pero dibdib ko hindi pa rin tumigil sa pagkabog. Pero kahit abot-abot ang kaba na nararamdaman ko, nagawa ko pa rin na sumilip sa siwang ng bintana at kaagad namang nagtago nang makita ang kotse na nasa harap pa rin ng gate. Ang dami agad tanong ang nabuo sa isip ko. Sino kaya ang may-ari ng kotse? Hindi kaya si Shaira ‘yon? Minamanmanan ako? Nag-aabang ng tyempo para mapuruhan ako o nagbabantay siya, if ever magpunta rito si Reynald na kinababaliwan niya. Pabagsak akong umupo sa sofa. Hilot-hilot na naman ang noo ko. Kalalabas ko lang sa hospital, pero ang dami na agad stressful na pangyayari ang na e-encounter ko. Nakakapanghina na talaga ang mga nangyayari sa buhay ko. Pati ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin ay hindi na ako magawang pasayah

